Teleserye nina Paulo, Ritz at Ejay humataw agad sa rating

PAULO AVELINO, RITZ AZUL AT EJAY FALCON

TINUTUKAN ng mas maraming Pilipino ang pag-uumpisa ng kwento ng walang hanggang buhay at pag-ibig sa The Promise Of Forever nina Ejay Falcon, Ritz Azul at Paulo Avelino, kaya naman namayagpag ito sa TV ratings sa buong bansa.

Nakakuha ang pilot episode ng serye noong Lunes (Sept. 11) ng national TV rating na 18.4%, ayon sa datos ng Kantar Media. Nagpatuloy din ang suporta ng manonood sa serye sa mga sumunod pang mga araw.

Naging patok din sa netizens ang pagsisimula ng palabas matapos nitong manguna sa listahan ng trending topics sa social media at umani ng libo-libong tweets sa Twitter sa unang dalawang araw ng pag-ere nito.

Ipinakilala ng The Promise Of Forever sa mga manonood si Lorenzo (Paulo), ang “immortal man” na ngayon ay kilala na bilang Nicolas. Natunghayan din ang buhay ni Sophia (Ritz) at ang pangarap niyang maging seawoman upang makatulong sa kanyang pamilya.

At ngayon ngang nakatakda nang magkita ang dalawa sa pagsampa nila ng barko patungong Europe, agad nga kaya nilang makilala ang isa’t isa? Maging daan na nga ba ito sa muli nilang pagkakalapit? Ma-ging balakid kaya ang pag-ibig ni Philip (Ejay) sa kanilang tadhana?

Napapanood ang The Promise Of Forever sa Kapamilya Gold sa direksyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.

Read more...