Tatlong beses nasiraan ang Metro Rail Transit 3 kaninang umaga.
Batay sa Service Status ng MRT 3 unang nasira ang tren alas-6:57 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero sa Santolan-Anapolis station south bound. Alas-7:18 ng umaga ay nasira ang tren sa Shaw Boulevard station south bound dahil sa technical problem. Isa pang tren ang nasiraan sa Santolan-Anapolis station north bound alas-7:38 ng umaga. Noong 2015 ay itinaas ang pasahe sa MRT at isa sa mga layunin nito ay upang mapaganda lalo ang serbisyo. Kinokondena ni PBA Rep. Jericho Nograles ang maintenance provider ng MRT3— ang Busan Universal Rail Incorporated dahil patuloy umano ang pagpalya ng operasyon ng sistema. Sinabi ni Nograles na mayroon siyang mga nakitang anomalya sa P3.8 bilyong kontrata ng BURI gaya ng pagbili ng mga substandard na train safety equipment. “The terms and reference of the MRT-3 maintenance contract states that the purchase of all parts shall be made under accredited and authorized suppliers and distributors only,” saad ng solon. Binili umano ng BURI sa Diamond Pearl Manufacturing ang mga piyesa kahit hindi ito authorized supplier ng Bombardier Transportation gaya ng nakasaad sa kontrata.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending