Faeldon reresbak kina Lacson, Trillanes

Faeldon

NAKATAKDANG magsampa si dating Bureau of Customs (BOC) commissioner Nicanor Faeldon ng ethics complaint laban kina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Antonio Trillanes IV, ayon sa kanyang abogado.
Sinabi ni Lawyer Jose Diño Jr. na hihingi si Faeldon ng permiso sa Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) para payagan siyang pansamantalang makalaya para maihain ang reklamo laban kay Lacson sa Lunes.
Idinagdag ni Diño na nakatakda namang isampa ang ethics complaint laban kay Trillanes sa susunod na linggo.
“Capt. Faeldon will request for permission from the OSAA to be allowed to personally file, under guard of course, his verified ethics complaint on Monday, 18 September 2017 at 11:00 a.m.,” sabi ni Diño.
Kasalukuyang nakakulong si Faeldon sa Senado matapos siyang i-contempt ng blue ribbon committee sa sadyang hindi pagsipot sa mga pagdinig kaugnay ng P6.4 bilyong shabu shipment mula sa China.Nauna nang umalma si Faeldon sa alegasyon ni Lacson na tumanggap umano siya ng pasalubong sa kanyang pagkakatalaga sa BOC.
Binatikos din ni Faeldon si Trillanes matapos ang alegasyon nito na siya ang nasa sentro ng korupsyon at smuggling sa loob ng ahensiya.

Read more...