Guro may libreng sakay sa LRT1 sa Linggo

LRT

Libreng makasasakay ang mga guro sa Light Rail Transit Line 1 sa Linggo, Setyembre 17.

    Ang libreng sakay ay bahagi ng pagdiriwang ng National Teacher’s Month, ayon sa Light Rail Manila Corp., ang operator ng LRT 1.
      Kailangan lamang magpakita ng identification card mula sa Department of Education, ID ng eskuwelahan kung saan sila nagtuturo o lisensya mula sa Professional Regulation Commission sa gate na inilaan para kanilang pasukan.
      Ang LRT 1 ay bumibiyahe mula Baclaran sa Paranaque City hanggang sa Roosevelt sa Quezon City. Mayroon itong 20 istasyon. Ang unang tren ay umaalis ng Baclaran ng alas-4:30 ng umaga at ang huling biyahe paalis ng Roosevelt ay 9:45 ng gabi.

Read more...