Anak maagang nag-asawa, ayaw mag-aral | Bandera

Anak maagang nag-asawa, ayaw mag-aral

Beth Viaje - September 15, 2017 - 12:10 AM

GOOD day, Ateng Beth.

Bakit po ganoon, kahit anong sipag ko ay hindi pa rin ako umaasenso? Anim po ang anak ko at vendor lang po ang ka-live-in ko at isa po akong security officer. Yung panganay kong anak na babae ay nag-asawa na, 16 years old po lang siya. Yung pangatlo kong anak huminto naman sa pag-aaral. Kahit anong pilit ko na bumalik siya, ayaw pa rin bumalik.

Hindi naman ako nagkulang sa kanila, sinusuportahan ko naman sila para makapagtapos sa pag-aaral pero sila mismo ang pasaway. Sa tingin n’yo po ba may pag-asa pa akong umasenso o makapagtapos man lang ng pag-aaral ang iba ko pang anak?

Sana po matulungan ninyo ako. God bless po. —Ventura

Hello, Ventura!
Honestly, hindi ko alam paano ka matutulungan o paano masasagot ang tanong mo tungkol sa pag-asenso o kung mapag-aaral mo ba ang mga anak mo.

Ang alam ko mahigit sa kalahati ng tao sa mundo ay naghihirap. Kaya wala tayong pagpipilian kundi manatiling magpursigi.

Kung pagpapalain ang tapat nating pagsisikap, salamat kay Yahweh El Shaddai. Kung hindi, magpasalamat pa rin dahil kahit paano ay buhay tayo at nakakapagpursige.

Tungkol sa mga anak mo, lalo na doon sa 16-anyos na nag-asawa na, pinili niyang mag-asawa nang maaga, hayaan mo siyang harapin ang buhay niya.

Kung ayaw mag-aral ng isa mong anak, hayaan mo rin siya, kesa magsayang pa kayo ng pera para sa baon na hindi niya naman ikatututo.

Mayroon ka pang ibang anak, sila ang pag-ukulan mo ng pansin, baka isa sa kanila ang magtiyaga sa pag-aaral at may pangarap na umasenso. Malay mo ay siya ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan.

Minsan ang buhay at pag-asenso ay depende sa pagtingin natin.

Bilangin mo ang mga mabubuting nangyayari sa iyo at sa pamilya sa araw-araw, baka magbago ang pagtingin mo sa iyong buhay. Minsan may mga pagpapala sa buhay natin na nandiyan na pala pero hindi mo lang napapansin.

Tumulong ka sa mga hindi kayang ibalik sa iyo ang tulong mo baka mapasaya mo ang iyong sarili.

At higit sa lahat, mabuhay ka ng may dignidad, pagpupursige at pag-asa, baka sakaling magulat ka, andun ka na pala sa tagumpay.

Keri lang ‘yan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa puso, relasyon, pamilya,trabaho o pinansiyal, mag-text na kay Ateng Beth sa 09156414963

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending