FEU Tamaraws sinuwag ang UE Red Warriors | Bandera

FEU Tamaraws sinuwag ang UE Red Warriors

Angelito Oredo - September 13, 2017 - 10:00 PM

AGAD na sumingasing ang Far Eastern University Tamaraws upang hawakan ang bentahe at hindi na nagpabaya sa kabuuan ng laban upang biguin ang University of the East Red Warriors, 90-83, para sa unang panalo nito sa ilalim ng bagong coach na si Olsen Racela sa kanilang UAAP Season 80 men’s basketball game Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtulong-tulong para sa Tamaraws sina Richard Escoto, Prince Orizu, Arvin Tolentino at Barkley Ebona upang itala ng koponan ang pinakamalaki nitong abante na 19 puntos, 30-11, sa pagsisimula ng ikalawang yugto bago na lamang pinigilan ang Red Warriors na inihulog nito sa ikalawang sunod na kabiguan.

Ikinatuwa naman ni Racela, na pinalitan ang kapatid na si Nash bilang head coach ng Tamaraws, ang panalo na bumawi sa kanilang nalasap na kabiguan kontra nagtatanggol na kampeong De La Salle University Green Archers sa unang nitong laro noong Linggo, 90-95.

“It always gives you satisfaction when you win lalo pa it’s our first in the season and my first as a collegiate head coach. Pero malayo pa kami. We still have a lot of things to do and take care of,” sabi lamang ni Racela.

Huling nakalapit sa pitong puntos ang Red Warriors sa 83-90, subalit hindi naman nito napigilan ang pag-iinit ni Ron Dennison na umiskor ng anim na sunod na puntos upang ilayo ang Tamaraws tungo sa panalo.

Pinamunuan ni Dennison ang FEU sa kinolektang 16 puntos kasama ang apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals. Nag-ambag si Orizu ng 15 puntos at 16 rebounds habang sina Escoto, Ebona at Tolentino ay may tig-11 puntos.

Sa ikalawang laro, nasungkit ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang ikalawang sunod na panalo matapos durugin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 92-71.

Pinamunuan ni Thirdy Ravena ang Ateneo sa ginawang 16 puntos at anim na rebounds habang si Tyler Tio ay nagdagdag ng 14 puntos.

Gumawa naman si Juan Gomez de Liaño ng 16 puntos, pitong rebounds at dalawang steals para pangunahan ang Fighting Maroons na nahulog sa 1-1 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending