Naging madalian ang ginawang paglilibing sa mga labi ni de Guzman dahil sa banta sa seguridad ng mga magulang nito.
“Ang gusto namin secure talaga. Mahirap na baka masingitan kami,” ayon sa hepe ng Witness Protection Program- Intelligence Service Operations Group (Isog) na si Ernie Talabucon matapos ang libing.
Inihalimbawa niya ang nangyaring tensyon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
“Kasi kahapon nagkatensyon, di ba, sa CIDG?” aniya.
Hindi naman masabi ni Talabucon kung nanggaling sa CIDG ang banta sa seguridad ng pamilya ni de Guzman.
Tinangka ng mga taga-CIDG na kunin ang bangkay noong Martes subalit tumanggi ang mga magulang na naresulta sa kaguluhan.
Iginiit nina Eduardo Gabriel at Lina de Guzman, mga magulang ni de Guzman, na ang bangkay ay kanilang anak dahil sa nunal nito sa kaliwang tuhod at peklat sa leeg.
“Anak namin ‘yan, dugo’t laman namin ‘yan. Kami gumawa niyan, sa amin ‘yan,” ani de Guzman.
Nagsuot pa ng bulletproof vest ang mga magulang ni de Guzman at ineskortan ng mga miyembro ng Isog at Volunteers against Crime and Corruption (VACC).
Umabot lamang nang isang oras at kalahati ang seremonya.
Umalis ang convoy para sa libing alas-8:30 ng umaga mula sa lugar ng mga de Guzman sa Anak Pawis 2, Cainta, Rizal at natapos alas-10 ng umaga sa Pasig City Public Cemetery.
Si Kulot nga ba ang inilibing?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...