SA tuwing may kahindik-hindik na pangyayari, tulad ng Maguindanao massacre noong Lunes, nag-uunahan sa media ang mga politiko, lalo na ang ating mga binubuhay sa Senado na hindi naman nagtatrabaho para maibsan ang kahirapan at kamangmangan sa bansa. Sa isang iglap ay mga dalubhasa agad sila at kung anu-anong tumataginting na mga opinyon ang lumalabas sa bunganga. Maging matalino tayo. Huwag tayong maniwala sa mga sumasakay sa isyu para lamang maging sikat sila. Palaging isaisip na mas matalino tayo sa kanila dahil hindi natin ginagamit ang mga nasawi para sa ating personal na kasikatan. Ang kailangan ng mga biktima ay hustisya–at panalangin sa kabilang buhay.
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 112409