TULAD ng binanggit natin sa ilang nakalipas na editorial (lalo na sa https://banderablogs.wordpress.com), ang pinakamadaling sawsawan at salihan ay ang politika. Napakadaling maging politiko. Konting bira at maraming pangako, puwede na.
Maraming dating pulis ang tatakbo (kahit walang humahabol) sa Mayo. Halos lahat ng puwesto ay tatakbuhan nila: pagka-pangulo, sa Senado, kinatawan sa Kamara, gobernador at alkalde. Magagaling sila at bastante ang credentials, tulad ng mga nagtapos sa Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy.
May magagaling (nga naman) at nagkukunwaring magagaling (eh ano naman, basta ayos ang lansangan?). Gayunpaman, ang kanilang pagtakbo ay hamon sa isipan. Sawang-sawa na tayo sa mga politiko, sa mga artista (ang ilan ay nakipagkaibigan na lang sa mga butiki sa kisame at ang ilan ay nagbutas na lamang ng silya, habang sagot ng taumbayan ang kanilang gastos); sa mga politikong artista at artistang politiko.
Pulis naman? Itanong natin kay Tabako.
BANDERA Editorial, 112409