HOROSCOPE June 14, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy na gaganda ang kapalaran, basta’t lagi ka lang magmadali. Sa pag-ibig at pinansyal, basta’t minadali mo ang nasabing mga bagay ay magiging masaya ang relasyon habang patuloy ang pagdating ng maraming salapi. Mapalad ang 5, 14, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Kailangan mong sumikat sapagkat iyan ang iyong tadhana. Sa pakikisalamuha sa lipunan, makakatagpo ka ng recognition at dagdag na kita. Sa pag-ibig, habang nakikipag-sosyalan ay darating nang kusa ang true love. Mapalad ang 9, 16, 21, 29, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Mayabeeja-Om.” Maroon at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Iwasan ang sobrang takaw. Hindi makabubuti sa iyong kapalaran ang masyadong maraming pagkain. Panatilihing wholesome na pangangatawan upang hindi ka ipagpalit sa iba ng iyong minamahal. Habang sexy ka lalong darami ang pera. Mapalad ang 6, 15, 27, 29, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Om.” Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Bagong pagkakakitaan ang mabubuksan – sunggaban mo agad at wag kang babagal-bagal. Sa pag-ibig higit na mas masarap ang bagong relasyong dulot ng isang malambing na Libra. Mapalad ang 8, 14, 23, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Na-Me.” Red at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Ang hindi magandang pakiramdam ay gawa ng pabago-bagong panahon. Palakasin ang  katawan sa pagkain ng maraming prutas at gulay. Sa pag-ibig, ang pakikipag-romansahan ay nagpapalakas ng immune system. Mapalad ang 5, 17, 23, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Pag-ibig ang susi upang lumigaya. Laging bigyan ng sapat na pagmamahal ang kasuyong Aries. Sa pinansyal, ipadama sa mga kliyente na mahal mo sila at makikita mo, kusang darami ang iyong kita. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Om”. Gold at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Habang sinisipag ka, ituloy lang ang paggawa at pagpaparami ng pera. Sa pag-ibig, habang mainit ang kasuyo samantalahin mo, bago tuluyang humupa  ang kanyang libido. Mapalad ang 5, 14, 23, 27, 33, at 40, Mahiwaga mong mantra: “Suka-Deva-Om.” Violet at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi ka ipinanganak upang utusan. Ikaw ay natural na leader. Gamitin ang pagiging-leader upang umunlad. Sa pag-ibig, lagi mong utusan ang iyong kasuyo upang ang buhay n’yo ay mas madaling umasenso. Mapalad ang 3, 12, 21, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Moti-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Habang nagiging makasarili ay may kalungkutang madarama. Ganyan talaga ang daan upang yumaman. Sa pag-ibig, mahalin ang kaisa-isang nilalang na nagpapahalaga at umuunawa sa iyo, siya ay isang uto-utong Cancer. Mapalad ang 1, 16, 23, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Yellow at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Magiging madrama na naman ang iyong buhay. Tila nauulit lang ang dating lungkot at kabiguan. Pumirmi ka kasi ng mamahalin, isaalang-alang ang isang Aries. Sa pinansyal, ano nga ba ang halaga ng salapi kung wala naman sa yong nagmamahal? Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Ava-Yara-Dosya-Om”. White at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— ‘Wag matigas ang ulo! Pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng pera. Sa pag-ibig, panahon na upang pagbigyan ang malaon ng hinihingi ng kasuyo. Mapalad ang 8, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Magdesisyon ka agad upang hindi malagay sa alanganin. Laging sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansyal, isang Capricorn ang maaari mong lapitan sa mga panahong kinakapos ka ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ano man ang iyong gagawin, na may kaugnayan sa salapi, mag-isip kang mabuti upang wag na uling malugi. Sa pag-ibig, bago ipagkaloob ang tiwala sa kasuyo, isipin mo munang mabuti kung magiging tapat ba siya habang buhay. Mapalad ang 3, 18, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Krisna.” Lilac at maroon ang buenas.

Read more...