SUNSHINE kay CESAR: Wala na akong pakialam sa buhay niya!

WITH seeming finality ay mukhang hindi na babalikan ni Sunshine Cruz ang ex-husband niyang si Cesar Montano.
Actually, wala nang kainte-interes si Sunshine na malaman ang mga activities ng kanyang ex-husband.

At mukhang naimbiyerna ang sexy actress when somebody forwarded her a message na parang itsinitsismis sa kanya ang dating asawa.“Yes! I am now a single mom, and any news about my ex shouldn’t be forwarded to me anymore.

Hindi ko na po kailangang malaman at wala na po akong interes. Sabayan nyo ko sa pag move on. Thanks,” sabi ni Sunshine sa kanyang Facebook account.Parang may naaamoy kaming something kay Sunshine, bakit parang abot-langit na naman ang galit niya kay Cesar?

Noong huli namin kasi siyang mainterbyu ay parang friends pa rin sila kahit na naghiwalay na. Bakit ngayon, parang may bitterness pa rin ang kanyang mga statement?

Read more...