Bagyong Maring tumawid sa lupa, Luzon binaha

Binaha ang malaking bahagi ng bansa kahapon ng tumawid ang bagyong Maring sa kalupaan ng Luzon.
     Kahapon ng alas-5 ng hapon ay nasa Bacolor, Pampanga na ang bagyo at inaasahang lalabas na ng kalupaan kagabi.
     Mayroon itong hangin na umaabot sa 60 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 100 kilometro bawat oras.
     Umuusad ito ng pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
     Itinaas ang Tropical Cyclone Warning Signal 1 kahapon sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal hilagang bahagi ng Quezon kasama na ang Polillio Island, katimugang bahagi ng Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan at Pangasinan.
     Ngayong hapon inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 280 kilometro sa Iba, Zambales at  sa Huwebes ay lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.

Read more...