Alipores ng ‘Kaliwa’ aarangkada na

MAKARAANG ibasura ng makapangyarihang Commission on Appoinments ang nominasyon ni Ka Paeng Mariano bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform ay sinimulan na rin ng mga makakaliwang grupo ang pagbanat kay Pangulong Duterte.

Para maging synchronize ang kanilang pag-atake ay isang kolumnista na miyembro ng militanteng grupo ang kinuha nilang manguna sa pag-atake sa administrasyon gamit ang social media.

Sinabi ng aking Cricket na ang kolumnista na itatago natin pangalang Mr.T ang gagawa ng disensyo ng mga artikulo at shareable feeds para sa mga laging online sa Internet lalo na ang mga Facebook users.

Si Mr. T rin ang naatasang magmonitor sa social media ng mga sagot kung meron man sa kanilang mga banat sa pangulo online.

Sinabi ng aking Cricket na dating staff ng isang mambabatas si Mr. T at nakapag-establish na rin ito ng relasyon sa media hanggang sa siya ay kumin bilang weekly columnist ng isang kilalang pahayagan.

Marami siyang followers sa social media kaya sa kanya ipinagkatiwala ng mga kaalyadong komunista ang nasabing misyon na gibain online ang kasalukuyang administrasyon.

Kahapon ay nagsimula nang umarangkada ang kanyang bagong assignment at marami sa kanyang mga kaibigan ang nakapansin dito.

Kung dati ay halos purihin nya ang administrasyon nang italaga ng pangulo ang kanyang mga idolo sa iba’t ibang kagawaran ngayon ay mistulang isumpa na niya ito dahil sa pagkakabasura sa nominasyon ni Ka Paeng at ni dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.

Hindi rin naman sila pwedeng sumabay sa banat ng mga taga oposisyon kaya gagawa sila ng kanilang sariling atake sa administrayon.

Kabilang sa kanilang unang isyu na ilulutang ay ang mga kaso ng extrajudicial killings na hindi naman nila dati pinapansin.

Isusunod dito ang isyu ng kurapsyon ayon na rin sa impormasyon na ibinigay ng aking Cricket sa kanilang organisasyon.

Idinagdag pa ng aking Cricket na mahihirapan ang mga trolls ng administrasyon na guluhin ang concentration ni Mr. T pero ibang usapan na raw kapag inilutang ng mga ito ang isyu ng kanyang pagiging bading.

Ang sinasabing utak ng mga online na banat ng mga makakaliwang grupo laban sa administrasyon ay si Mr.T….as in Tokyo.

Read more...