PATULOY na tumataas ang benepisyong natatanggap ng mga miyembro ng Social Security System (SSS)
Halos P1.45-T benepisyo naibigay ng SSS sa loob ng 60 taon sa mga miyembro nito mula nang itatag noong 1957.
Sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng SSS , nabatid na halos 20 milyong beses ang benepisyong ipinamahagi ng pension fund mula sa P80,000 na benepisyo nang magsimula ang operasyon nito noong P1957 ay umabot na ito sa P1.45 trilyon sa unang anim na buwan ng 2017.
Ngayon taon na ipinagdiriwang ng SSS ang isa na namang milestone year at malugod na babalikan ang mga tagumpay SSS bilang kaagapay ng mga miyembro sa loob ng anim na dekada.
Patuloy na magiging matibay ang pension fund sa hinaharap upang mapagsilbihan ang mga miyembro ngayon pati ang mga susunod na henerasyon,
Pinakamalaking bahagi ng gastusin ng SSS sa nakaraang 60 taon na mula sa P580,000 ay umabot na sa P1.58 trilyon sa unang semestre ng 2017 ay sa ginamit sa pagbabayad ng benepisyo ng mga miyembro at pensyonado.
Kumita naman ang SSS sa loob ng 60 taon ng P2.07 trilyon noong katapusan ng Hunyo 2017 mula sa P6.62 milyon noong 1957. Ito ay resulta ng pagtaas ng koleksyon ng kontribusyon ng mga miyembro mula sa P6.58 milyon noong 1957 ay umabot na ito sa P1.51 trilyon sa pagtatapos ng Hunyo 2017.
Tumaas din ang kita mula sa investments na P567.53 bilyon na sa unang kalahati ng taon ng 2016 mula sa P40,000 noong unang taon ng SSS.
Sa kasalukuyan, ang mungkahi na repasuhin ang SS Law na magpapalawig sa kapangyarihan ng Social Security Commission na mag-invest sa iba’t ibang investment facilities, ay makatutulongbpara makapagbigay pa ng benepisyo ang SSS sa mga miyembro nito,
Tumaas rin ang assets ng SSS sa P501.49 bilyon sa pagtatapos ng unang anim na buwan ng 2017 mula sa P6.37 milyon noon 1957.
Batay sa datos, aabot na sa halos 35.5 milyon ang miyembro ng SSS sa kasalukuyan mula sa 224,156 na miyembro noong 1957.
Itinatag ang SSS noong 1957 sa bida ng Republic Act 1161 o Social Security Act of 1954. Ngunit dahil sa kaliwa’t kanang batikos mula sa mga negosyante at mga manggagawa, naisakatuparan ang implementasyon ng batas noong Setyembre 1, 1957.
Ipagdiriwang ng SSS ang programa sa ika-60 na anibersaryo nito sa Setyembre 6 sa opisina nito sa Quezon City kung saan panauhing pandangal si Pang. Rodrigo Roa Duterte
Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc
Social Security System