Mayaman ang ikalawa

 

Sulat mula kay Alma ng Banisilan, North Cotabato

Dear Sir Greenfield,

Ang kinakasama ko ay may legal na asawa at pamilya. Pero sa kabila nito ay ayos naman ang relasyon namin kahit na tatlong araw lang siya sa akin sa isang linggo. Okey na sana ito hanggang sa magbago siya at hindi na siya umuwi sa akin. Ang masakit, wala na rin siyang ipinapadalang pera para sa pang araw-araw kong gastos.

Pag tine-text ko siya ay hindi na siya nare-reply at kahit na i-call ko pa. Ang itatanong ko po Sir Greenfield ay kung tuluyan na kaya siyang nagbago at iiwanan na kaya niya ako, hindi na kaya niya ako mahal? Kung sakaling iiwanan na ako ng ka-live in ko, sa edad ko po bang lagpas 30 na ay may magkakagtusto pa kaya sa akin at makapag-aasawa pa kaya ako? September 16, 1985 ang birthday ko.

Umaasa,

ALMA NG BANISILAN, NORTH COTABATO

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang nauna ay nabiyak (arrow 1.) habang malinaw at mahaba naman ang ikalawa (arrow 2.). Tanda na sa ikalawang pag-asawa ay makakatagpo ka na ng panghabambuhay na ligaya.

Cartomancy:

Queen of Clubs, Jack of Diamonds, at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung may kaya sa buhay o mayaman ang una mong nakasama na may pamilya na, higit na mas mayaman ang isang binata na susunod mong mapapangasawa.

Itutuloy

Read more...