OVERWHELMED si Sam Milby sa mga papuring ibinigay sa kanya ng kasama niya sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala na si KC Concepcion, pati na rin ng dalawang direktor nilang sina Jerry Sineneng at Tots Mariscal-Sanchez.
Nauna nang pinuri si Sam ng nag-iisang Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos sa nakaraang solo presscon nito kamakailan kung saan sinabi nga ng aktres na bilib na bilib siya sa dedication ni Sam sa trabaho. Kaya naman inamin ng aktor na talagang abut-abot ang kaba niya sa unang taping day nila ni Juday.
“Pag kasama mo ang isang Queen of Pinoy Soap Opera, lalo na sa mga first taping days, kinakabahan (ako). Siyempre to be part of this project, kakaibang role din para sa akin. “Sana ma-prove ko ‘yung sarili ko sa mga tao na kaya kong gawin yung ganitong role. And siyempre sa sobrang galing niya sa acting, na hindi ma-overshadow din, e.
“Kasi, di ba, when you’re with someone na ganu’n kagaling, sometimes ma-overshadow ka rin sa acting niya. So, yun siguro ang takot ko. “But so far, ‘yung mga feedback na naririnig ko, maganda naman, galing kay Juday, galing sa production, galing sa mga nanood ng pilot week,” paliwanag ni Sam sa ginanap na presscon nila ni KC noong Martes ng gabi sa ABS-CBN.
Nabanggit din niya na talagang suportado siya ni Juday kapag magkaeksena sila, “Sobra, sobrang supportive talaga. I mean, I have times na parang kaeksena ko si Juday and minsan may mga times na nahirapan ako sa lines.
“Sobrang thankful ako, she’s always been sobrang bait sa akin, she’s so patient sa akin,” pagtatapat ng binatang aktor.
Samantala, inabot ng mahigit isang taong nabinbin ang taping ng Huwag Ka Lang Mawawala at ang itinuturong dahilan ay si Sam daw dahil hindi marunong umarte at kinailangang mag-workshop pa bukod pa sa hindi makapagsalita ng maayos sa Tagalog.
Kaya tinanong ang aktor tungkol dito, “Ako, wala po akong narinig na masama from Juday, from the production. Even sa mga director, namin wala akong narinig na bad feedback at all.”Ako, I’m open to criticisms naman, e. Kung may masasamang criticisms sa akin, I’m open to that lalo na kung makakatulong sa akin.
“Pero may mga criticism talaga na they’re just out there to put you down. ‘Yun ang mga criticism na hindi ko papansinin,” magandang paliwanag ng aktor.At sa nasabing presscon ng Huwag Ka Lang Mawawala ay kinlaro nina direk Jerry at Tots ang isyung hindi marunong umarte si Sam.
“Wala pong problema sa acting ni Sam at ni KC. Swear, hindi po kami natagalan, hindi kami nahihirapan. Siguro kung mag-take two man kami, ibang dahilan, technical o ano.”At saka totoo po yun, walang etchos, hindi naman po namin papabayaan na hindi maganda yung performance niya. Pero yung totoo lang, hindi po kami na-delay because of his acting or anything.
“Wala po, napaka-professional po ng dalawang batang iyan, napakagagaling. Totoo po iyon,” kuwento pa ni direk Jerry.
Sundot naman ni direk Tots, “Ako, I agree with Direk Jerry. I heard the tsismis, ang dami nang naitanong, pero unfair talaga. Panoorin na lang, watch the soap opera to prove how both of them are. ‘Yun lang.”
Actually bossing Ervin, kilala at alam namin kung saan nanggaling ang mga negatibong isyu kay Sam, sigurado kaming galing ‘yan sa isang taong matindi ang inggit sa katawan dahil may alaga kasi siyang aktor na gustong ipasok sana sa nasabing serye, pero hindi naman pumuwede. At pag nabasa niya ito, alam niyang siya ang tinutukoy ko!
Mapangahas ang ilang mga eksena nina Sam at KC sa Huwag Ka Lang Mawawala, kabilang na nga diyan ang ilang torrid kissing scene nila kaya natanong din kay Sam kung nailang ba siya habang ginagawa nila ang mga nasabing eksena?
“Nag-toothbrush ako, nag-mouthwash…lahat ginawa ko. Hindi naman ako nailang kasi I know it’s part of the job.
“Siyempre, sinong lalaki ang magrereklamo na… I mean, di ba? Na nahihirapan sa eksena na naghahalikan kayo? Isang napakagandang KC ang…hindi ako nailang kasi this is not the first time naman na we have worked together,” ayon pa sa binata.
Magsisimula na sa Lunes ang Huwag Ka Lang Mawawala sa Primetime Bida kapalit ng Ina Kapatid Anak na matatapos na ngayong gabi.
Samantala, abut-abot ang pasalamat ng aktor ngayong 2013 dahil bukod sa magandang serye ay may upcoming movie sila ng ex-girtlfriend niyang si Anne Curtis under Viva Films at Star Cinema at nadagdagan ang ini-endorso niyang produkto tulad ng Milano Shoes ng SM at Lion Oral Care, Japan’s number one toothpaste, Zact/Kodomo at nag-renew ang Folded & Hung at Unisilver.