Bukol ni MATTEO pinaglaruan ng mga bading, halatang peke raw

Ang bukol ni Matteo Guidicelli ang pinagpiyestahan ng mga followers ng isang website popularly known for dishing out controversial items about celebrities.

Naka-cycling shorts kasi si Matteo at kuha ang photo sa isang cycling event. Bukol na bukol ang harap ng hunk kaya naman tila nagpiyesta ang mga fans nito sa pagbibigay ng comment.

Merong nagsabing naglagay ng lavacara si Matteo to make his dingdong look well-endowed. But there was somebody who said that it was REAL.

Ang nakakaloka, pati ang paghawak ni Matteo ng cup while he was to drink espresso ay ginawa ring issue ng mga nag-comment. Pumipilantik daw ang daliri ng car racer-turned actor and they were insinuating na bading ito.

Merong nagtaray at sinabing walang alam sa kasosyalan ang nag-comment. He said na ganoon talaga ang sosyal na paghawak ng cup lalo pa’t isang Italian si Matteo.

Still on Matteo, suportado pala ng fans ni Sarah Geronimo ang chismis na nagugustuhan ng binata ang dalaga ni Divine.
Actually, sila pa raw ang nagbubuyo na sagutin ni Sarah ang binata. Approved sa kanila ang panliligaw ng binata, that is, kung totoo ngang pinopormahan ito ni Matteo.

Kaya lang, mukhang wala pa namang ligawang nagaganap. Nagkasama lang ang dalawa sa shows ni Sarah sa US at nakunan lang sila ng photo na parang sweet naman.

Ang sabi ng concerned fans ni Sarah, ‘wag daw ibuyo ang dalaga sa hunk actor lalo pa’t meron daw itong pinagdadaanan kasama si Jessy Mendiola.

Natsismis na break na sina Matteo at Jessy kahit hindi pa sila umaamin. Kung magkakaigihan sina Matteo at Sarah ay parang lalabas na sinulot niya si Jessy, bagay na hindi magugustuhan ni Divine kaya tiyak na lagot na naman si Sarah kay madir!

Read more...