Lyceum Pirates asinta ang ika-10 diretsong panalo

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. San Beda vs St. Benilde
4 p.m. Lyceum vs Mapua
Team Standings: Lyceum (9-0); San Beda (8-1); JRU (6-3); Letran (5-4); San Sebastian (4-5); EAC (4-5); Arellano (3-6); Perpetual Help (3-6); St. Benilde (2-7); Mapua (1-8)

IKASAMPUNG sunod na panalo ang pilit susungkitin ng Lyceum of the Philippines University Pirates sa pagpapanatili nito sa perpektong kampanya ngayon sa pagsagupa nito sa Mapua University Cardinals sa simula ng ikalawang round ng eliminasyon ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Una munang magsasagupa ang San Beda College Red Red Lions kontra sa nasa ikalawa sa hulihan na College of St. Benilde Blazers sa ganap na alas-2 ng hapon.

Agad itong susundan sa alas-4 ng hapon na bakbakan sa pagitan ng Cardinals at Pirates, na winalis ang siyam na laro sa unang round.

Hangad ng LPU na makatuntong sa Final Four sa unang pagkakataon sapul na sumali sa liga anim na taon na ang nakalilipas at posibilidad din na makatuntong sa finals at mauwi ang pinakaunang titulo sa liga.

Sina Cameroonian Mike Harry Nzeusseu at CJ Perez ang dalawa sa pinakamalaking kontribusyon sa impresibong unang round ng Pirates matapos na ang dalawa ay nangunguna sa MVP race sa likod lamang ng nangunguna na si Nigerian Prince Eze ng University of Perpetual Help Altas.

Inaasahang sasandigan ng Pirates ang team captain na si MJ Ayaay na nagpapadama ng liderato sa pagkakaisa ng koponan katulong ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino na pundasyon ng LPU sa depensa para manatili na walang bahid dungis ang Pirates.

“We were blessed with players who embraced what is good for the team instead of their own individual selves,” sabi ni LPU coach Topex Robinson.

Hindi naman nagkukumpiyansa ang LPU sa pagsagupa sa Mapua na nananatili sa hulihan sa bitbit na 1-8 panalo-talo na kartada.

dahil na rin sa pagkawala ni reigning back-to-back Season MVP Allwell Oraeme at pagkawala ni Shane Menina sa ibang liga at injury ni captain Andoy Estrella (MCL tear).

“We should never underestimate our opponent. The only way we could stay on top is to stay hungry and keep on improving each game because we expect the other teams to also improve,” sabi ni Robinson.

Pilit naman didikit ang defending champion na San Beda sa likuran ng LPU sa pagsagupa sa St. Benilde.

Nagtala din ang Lions ng sarili nitong winning streak sa huli nitong pitong sunod na laro upang umangat sa ikalawang puwesto na may 8-1 marka at ang panalo kontra Blazers na nasa ikalawa sa hulihan sa bitbit na 2-7 kartada ay makakapagakyat pa dito sa ikalawang puwesto.

Read more...