UAAP reporter waging 2017 Miss World PH; Wynwyn binigyan ng ibang titulo at korona

BIGO si Wynwin Marquez na maiuwi ang Miss World-Philippines crown. Tinalo siya ni Laura Lehmann, courtside reporter sa UAPP. Siya ang magiging representative ng bansa sa Miss World sa Nov. 18 sa Sanya, China.

Gayunpaman, nai-take home pa rin ng Kapuso actress ang isang title, ang Reina Hispanoamericano Filipinas 2017. Lalaban siya sa isang pageant sa Bolivia.

Tinanghal namang Miss Eco Philippines si Chynthia Tomalia habang si Sophia Senoron ang kinoronahang Miss Multinational Philippines.

Winner din ng tatlong special awards ang girlfriend ni Mark Herras, Miss Savoy Hotel Boracay, Talent Fas Track at Top Model Fast Track. Sa pagkapanalo ni Wynwin, sabi nga, it’s better than nothing!

Read more...