WALA ngang duda na made na made na as loveteam sina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Ang latest movie nilang “Love You To The Stars And Back” ay certified hit at bonggang- bongga rin ang mga reviews dito bilang isang napakagandang movie.
Sa opening ng Citimall Cinema sa Imus, Cavite, we witnessed how their fans waited and stayed para lang masulyapan sila.
Grabe ang sigawan at tilian ng mga ito at literal na dinumog ang magka-loveteam. Ipinalabas din sa dalawang sinehan ng bagong mall ang kanilang pelikula at walang hindi natuwa at nagsabing sulit na sulit ang kanilang panonood.
Very accommodating naman sina Joshua at Julia at kahit pa nga may ilang fans na umoober sa nakasanayang protocol, game na game lang ang dalawa kahit bugbog na ang mga ito sa pangungurot at panghahablot ng mga tao sa mall.
Agree rin kami sa mga nagsasabing sila na ang bagong Claudine Barretto-Rico Yan, though we believe na kering-keri nilang higitan ang tinamong kasikatan ng mga ito.
Both are very good actors at mas open silang pag-usapan ang anumang meron sila sa ngayon, enough reason para mas madali silang mahalin at tangkilikin ng mga tao.