John Lloyd, Ellen balak magsosyo sa negosyo

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

VERY good friends lang daw talaga sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. The fact is, nagbabalak daw ang dalawa and their common friends na lagi nilang kasama sa mga gimikan, na magtayo ng kanilang negosyo.

Tutal naman daw eh, may mga bagay silang pinagkakasunduan gaya ng pagpunta-punta sa mga magagandang lugar, pag-unwind nang wagas at pager-relax with amazing sound and music, nagbabalak daw sina Ellen at Lloydie na ikonek ang negosyo nila sa mga ito. Hmmmm, yun naman pala!

Sa totoo lang, mukhang lumaylay ang popularidad ni Ellen nang mabawasan ang ginagawa niyang pagpapaseksi at pagpapakontrobersyal.

Though, sa social media ay madalas pagpiyestahan ang mga eksena niya gaya ng pagpunta sa ibang bansa at pakikipagkilala sa mga kilalang celebrities doon, na balitang smitten by her aura and sexiness.

Yung madalas nga niyang pagsama-sama sa grupo ni Lloydie ang nagsu-sustain sa interes sa kanya ng mga tao, though may sitcom at weekly show naman siya sa ABS-CBN.

Yung huling movie project na umano’y dapat kasali siya ay balitang naligwak na at pinalitan na siya ng iba. Then yung isa sanang soap na ipapalabas na kasama rin siya, eh balitang baka next year na ipalabas.
Hmmmm, what went wrong Ellen?

q q q

Maraming na-touch sa ipinost na birthday message ng broadcast journalist na si Karen Davila para sa kanyang pamangkin na si Wil Dasovich na nakikipaglaban ngayon sa stage 3 cancer.

Narito ang madamdaming mensahe ni Karen kay Wil: “My dearest nephew @wil_dasovich I want to greet you a very meaningful birthday but more importantly, let you know how deeply I admire your openness & courage in overcoming the biggest challenge of your life.

“You have shown more character than many people I know – stepping out in FAITH & choosing to LIVE the LIFE you want!”

“What makes you truly special is you have such a good heart – and even in your darkest moments, it shines through my dear. Love you!”

Read more...