Jaclyn, Andi ayaw na sa showbiz

JACLYN JOSE AT ANDI EIGENMANN

KUNG totoong nagbabalak nang mag-quit sa showbiz si Andi Eigenmann at susunod din ang award-winning mother nito, malaking kawalan sa showbiz ang husay ni Jaclyn Jose.

Hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng mag-ina na parang package deal ang pag-stay sa showbiz.

Nauunawaan naming lagi silang magkakampi sa mga laban nila sa buhay, though at times, sila mismo ang nagkakagulo, pero ‘yung nabalitaan naming pareho na nilang iiwan ang showbiz ay parang nakakalungkot marinig.

Inlabey na inlabey si Andi sa kanyang current boyfriend at balita ngang mas gusto daw nitong mag-chill muna kesa sa mag-work. Although wala pang tsika sa kung may mga commitments na itong binibitin, very obvious daw na happy ito sa ngayon outside showbiz.

Kaya marahil may mga tsismis na nais na nitong mag-quit. At kapag nangyari ito, malamang daw na sumunod na ring lalayas si Jaclyn, whose very active showbiz career is something to reckon with.

Read more...