Shaina: Ang love, di lang puro kilig!

SA pagtatapos ng afternoon series ng ABS-CBN na The Better Half, siguradong maraming manonood ang apektado, lalo na ang mga nanay na tutok na tutok sa kuwento nito.

Sa nakaraang thanksgiving/farewell presscon ng programa natanong ang miyembro ng cast kung nagbago ba ang pananaw nila sa pagpapakasal matapos bumida sa masalimuot at madugong kuwento ng TBH. Naging “bitter” ba ang pananaw nila sa pag-aasawa o naging “better”?

“Hindi ako naging bitter,” sabi ng isa sa mga bida na si Shaina Magdayao. “Mas naging open pa po at parang nag-widen ang perspective ko sa salitang ‘pagmamahal.’”

“This show tackles not just romantic love. Love rin ng pamilya. For sure, lahat kayo makaka-relate na kapag nabibigyan ka ng problema or kapag dumarating ka sa punto ng buhay mo na sobrang babang-baba ka na or mawawalan ka ng mahal sa buhay. Wala kang ibang kakapitan kundi ang pamilya mo,” paliwanag pa ng aktres.

Hirit pa ni Shaina, “Ang marriage kasi hindi ‘yan biro. More than the feeling, it’s actually a commitment to stay together through thick and thin. So siguro yun ang mga instances na nari-realize ko na ang pagmamahal ay hindi lang in-love, hindi ka lang kilig. Napakalawak at napakalalim pala ng salitang pagmamahal.”

Sa tanong kung na-experience na ba niya in real life ang pinagdaanan ng karakter niya sa serye, “Alam na alam niyo naman ‘yan. You know I make sure that every time I enter a relationship, I give my 110 percent. Kasi, hindi ako pumapasok sa isang bagay na hindi ako sigurado.”

Samantala, maswerte ang mapapangasawa ni Shaina dahil ngayon pa lang ay financially stable na siya. Bukod kasi sa pag-aartista ay may mga negosyo at sariling properties na rin ang dalaga.

Isa sa mga itinuturing na lucky charm ni Shaina pagdating sa negosyo ay ang Ystilo Salon nila ng kanyang mga kapatid na magse-celebrate na ng kanilang 19th anniversary ngayong buwan. In fairness, napakarami ng branch ng Ystilo sa iba’t ibat panig ng bansa, patunay na maganda at world class ang kanilang services.

Ayon kay Shaina, company owned ang sosyo niya sa kanilang negosyo dahil wala na raw siyang oras kumuha pa ng franchise dahil nga sa rami ng ginagawa niya.

Inamin naman ng kapatid ni Shaina na si Sheila, ang tumatayong chief operating officer ng Ystilo, na may mga franchise silang nagsara na pagkatapos mabawi ang puhunan.

“Yung iba kasing franchise, naging luma na ‘yung building, o kaya natakpan na ng mga bagong tayong condo sa harap o kaya ng LRT/MRT at ‘yung iba naging tabi ng palengke, so ‘yung owners, ayaw na nila kaya isinoli na nila sa amin. Good thing nabawi naman nila ‘yung puhunan nila, ROI na.

“On our part, wala naman kaming lugi kasi bago naman din namin i-go ‘yung lugar, na-check na namin personally. Actually kami ang nag-a-approve ng pagtatayuan kasi siyempre pag hindi naging maganda, kami naman ang masisisi ng franchisee, masisira ang pangalan namin,” sabi pa ng panganay ng Magdayao sisters.

Marami na raw inquiries na gustong mag-franchise na hindi nila tinanggap due to safety and health reasons.

Bago matapos ang taon ay bubuksan na rin ang Ystilo SM GenSan, Ystilo City Mall Koronadal, Ystilo Robinson’s Place Iloilo Jaro at Ystilo Manaoag, Pangasinan.

Ibinandera rin ni Shaina na napakarami na nilang natanggap na awards tulad ng Most Outstanding SPANISH Salon 2017, Star Brand Philippine Social Media Awards, Best Choice Awards 2015 for Trusted Beauty Salon (National), Entrepreneur for Beauty and Salon Industry, Outstanding Entrepreneurial Achievement Award for Excellent Customer Service 2015, 2012-2013 BPI Ka Negosyo Awardee, Best List Accredited Franchise Brand 2011, Philippine Marketing Association Agora Awardee for Outstanding Achievement in Entrepreneurship (Medium Scale), 2010 PLDT / GO NEGOSYO MVP Bossing Awards Industry Service Award at marami pang iba.

Sumasailalim din daw sa training at seminar ang mga empleyado ng Ystilo para mas maging up to date ang kanilang mga serbisyo.

Masaya ring ibinahagi ng sister ni Vina na meron silang regalo para sa kanilang loyal customers, isa na riyan ang 50% off sa lahat ng premium services at hair treatment, simula Sept. 8 hanggang Sept. 30. For inquiries, mag-e-mail sa franchise@ystilosalon.com.ph o tumawag sa 927-7532 at 0917-3124208.

Read more...