Raquel itutuloy ang demanda kay Jake Zyrus

SPEAKING of tomboys, mainit pa ring pinag-uusapan ang paglalantad ni Jake Zyrus ng kanyang buhay sa Maalaala Mo Kaya. Na-shock ang maraming viewers sa revelations ni Jake at umani ng maraming reactions.

Unang-una na riyan ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco matapos palabasing isa siyang masamang ina. Nagbanta rin si Raquel na idedemanda si Jake at ang MMK ng kasong lilbelo pagluwas niya ng Maynila anytime this week.

Anyway, isang makabuluhang kwento muli ang napanood kagabi sa MMK kung saan ginulat ni Xian Lim ang viewers dahil sa ginampanan niyang role.

Gumanap si Xian bilang illegitimate child na si Randy. Bata pa lang ay nalulong na rin siya sa bawal na gamit at naging macho dancer sa pagasang aasenso ang kanyang pamilya. Kaya lang dahil sa labis na pagkagumon sa droga, sinubukan niyang magpakamatay.

Dito nakilala niya si Mutya (Shy Carlos) na isa ring drug user and pusher. Naging sila at nagkaroon pa ng anak. Maraming pumuri sa akting na ipinakita nina Xian at Shy sa MMK. Ayon sa ilang nakapanood, pinatunayan ni Xian na kaya na niyang gampanan ang mga karakter na hindi niya nakasanayang gawin.

Sabi nga ng fans nila ni Kim Chiu, siguradong napahiya ang mga taong nambabagsak noon sa aktor dahil sa akting nito.

Nakasama rin sa nasabing episode sina Bea Basa, Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, Junjun Quintana, Marc Acueza, Lloyd Zaragosa, na idinirek ni Mae Cruz at sa panulat ni Benson Logronio.

Read more...