2 lady officials nagsisiraan

DA who ang dalawang babaeng opisyal ng pamahalaan na nasa iisang departamento pero hindi magkasundo at nagsisiraan pa?

Itago natin ang dalawang tinutukoy ko bilang lady official A at lady official B.

Pareho ang pinanggalingan ng dalawang lady officials dahil halos naubos na ang mga empleyado ng kanilang dating kompanya matapos ngang tangayin ng kalihim ng ahensiya sa kanyang departamento.

Unang itinalaga si lady official A bilang assistant secretary ng departamento, samantalang sumunod naman si lady official B na itinalaga rin bilang assistant secretary sa kaparehong ahensiya.

Kahit magkasama sa iisang ahensiya, dedmahan ang peg ng dalawang opisyal.

May pagkakataon na sa mga biyahe sa ibang bansa, kahit magkasama sa iisang mesa ay parang hindi magkakakilala ang dalawang lady officials kung umasta.

Kamakailan, na-promote si lady official B bilang undersecretary, samantalang nananatili pa ring assistant secretary si lady official A.

Kilalang malapit si lady official B sa nagsisilbing bodyguard ng napakataas na opisyal kayat hindi kataka-takang malakas ang kapit ni lady official B.

Malakas din naman si lady official A, dahil ang kalihim ng ahensiya ang kanyang backer.

Parehong nagbibilang ng kapalpakan ang dalawang lady officials sa kani-kanilang trabaho, pero dahil sa sobrang lakas ng mga backer ay parehong maaangas kung umasta.

Dahil sa hindi nga magkasundo, kamakailan ipinag-utos ng lady official B na bawal ang mga staff ni lady official A na sumabay sa van na inisyu ng lady official B kahit pa na trabaho lang ang gagawin ng mga empleyado at pag-aari naman ng gobyerno ang mga ito.

Hindi rin angkop ang inaasta ng dalawang opisyal sa kanilang trabaho dahil taliwas ang kanilang pinapakita.

Nauna nang na-blind item si lady official A na mahilig magmura sa kanyang mga staff, samantalang kilala naman si lady official B na iba ang tinitigan sa tinitingnan.

Nabatikos kamakailan si lady official B dahil sa pagiging selective na taliwas sa kanyang dapat na trabaho.

Gusto n’yo pa ba ng clue?

Kung kontrobersiyal ang dalawang lady officials, mas kontrobersiyal ang kanilang boss at pinuno ng departamento.

Hindi na mabilang ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kalihim na malakas din ang kapit dahil kilalang kaalyado ng napakataas na opisyal ang pamilya ng kanyang misis.

Nagmula ang kalihim sa kaparehong industriya na kanyang pinaglilingkuran pero hindi niya kasundo ang mga kasapi rito dahil sa kanyang kakaibang pag-uugali.

Sa kasalukuyan, pinipilit ng kalihim na mabigyan ng akreditasyon ang mga kakamping indibidwal sa kabila na ito ay inalmahan ng marami.

Kung gets n’yo ang kalihim na tinutukoy ko, makikilala n’yo rin dalawang lady officials na tinutukoy ko.

Read more...