IBIBIGAY ng Social Security System (SSS) ang kalahati ng 60th anniversary budget o P5.9 milyon sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi at lindol sa Ormoc.
Pinagtibay ng Komisyon ang desisyon na ilagak ang kalahati ng anniversary budget sa pamamagitan ng SSC Resolution No. 578. Ang pondong inilaan para sa milestone celebration ay P11.8 milyon.
Ipagdiriwang ang anibersaryo ngayong Setyembre ngunit napagkasunduan ng Komisyon na gawin itong simple.
Sabay-sabay na gaganapin sa 301 local at foreign offices ang 60th Anibersayo ng SSS. Kabilang sa mga magaganap ay ang Members’ Day, Balikat ng Bayan Awards, Photo Exhibit, Best Employees’ Program, Fun Run, at Blood Donation Drive.
Ang naging aksyon ang SSC ay tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong huling State of the Nation Address (SONA).
Ipinaabot din ng SSS ang kanilang pakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawing sundalo na lumaban upang matamo ang kapayapaan sa rehiyon,
Gayunman, patuloy naman ang SSS sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Corporate Social Responsibility (CSR) operations nito sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad.
Social Security
Commission (SSC)
Chairman Amado D. Valdez
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.