NOONG Martes ay inamin ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi siya talaga marunong magmaneho at showbiz lang yung pagkuha niya ng driver’s license.
Sa ordinaryong panahon, okay lang na ipagmalaki mo ito dahil ano ba naman ang keber
nating lahat sa pagmamaneho niya.
Pero para sa isang kalihim ng ahensiya ng pamahalaan na inaasikaso ang trapik, medyo lihis ang impormasyon na hindi siya marunong magnaneho.
Dahil papaano niya maiintindihan ang nuances ng trapik kung hindi niya kabisado ang batas dito.
Mano ba naman na kahit konti ay mag-aral siya magmaneho para meron siyang konting idea at hindi yung umaasa siya sa mga “consuholtants” niya.
Kasi baka dun pa siya sumasabit sa mga ideas ng mga tao niya na may ibang agenda.
***
Nagrereklamo na ang mga nagko-cover sa LTFRB dahil sa isang dayuhan na motoring journalist na mukhang nakakagulo na sa coverage.
Sa ilang mga Facebook posts ng mga journalist sa LTFRB, sinasabi nila na sobrang biased at uninformed ang mga report at information na inilalabas ng dayuhang feature writer na ito na nalilito na ang mga tao.
Kabilang na rito ang pagsasabi na may dagdag na naman daw na kondisyon ang LTFRB sa pag-lift ng suspension. Ayon sa post ng isang reporter, at base na rin sa dokumento na hawak ng Talyer, talaga naman meron dapat kasamang driver compensation.
Ang masakit nito, ayon sa post, hindi naman nagpupunta sa mga press conference ang naturang dayuhang journalist daw pero laging may maling info na kinakalat sa mga followers niya.
“Ewan ko lang ha. May mga tao talagang memang-mema, pero dahil dugong dayuhan kebs lang. Pero he had the gall to say that ‘LTFRB have (sic) imposed another condition before allowing Uber to activate again.
“Dude read the Aug. 25 order.” sabi ng post ni Jovic Yee.
Ang masakit nito, wala naman daw siya sa mga press conference ng topic na binabanggit niya.
Sana raw ay hindi misleading ang dayuhang reporter daw dahil sobrang dami ang sumusunod sa kanya sa social media.
Hindi lang sa LTFRB nanunuya ang mga reporter na kasama niya kundi sa motoring media din kung saan siya nagmula.
Para sa comments and suggestion sumulat lang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.