Iza: Fan ako ni Bea, superstar siya!

IZA CALZADO AT BEA ALONZO

“MALULUNGKOT ako kapag natapos na! Maraming friendship ang nabuo dahil sa show na ito.” Ito ang sabi ni Bea Alonzo nang makausap ng ilang entertainment reporters pagkatapos ng finale presscon ng A Love To Last.

Katabi ni Bea si Iza Calzado habang kausap ng media na biglang nag-dialogue ng, “Hayaan mo dahil marami pa dahil ang dream natin, magsama sa pelikula.”

Oo nga, bakit hindi bigyan ng pelikula sina Bea at Iza, ang ganda ng batuhan nila sa A Love To Last na laging nagte-trending. Napa-wow naman si Bea sa komento ni Iza na isa siyang “smart actress”.

“Natutuwa talaga ako sa sinabi niya (parang nahihiya) kasi nagko-collaborate kami sa isang eksena na hindi ka lagi nakakakilala ng mga artista na ganito ka-passionate sa trabaho and I’m very lucky na nakasama ko si Iza and she knows what she’s doing, she’s passionate with her craft, she knows kung hanggang saan lang ‘yung character niya or kung saan siya totodo,” pahayag ni Bea.

Kung smart actress si Bea, brilliant actress naman ang taguri niya kay Iza, “Alam naman nating lahat, paulit-ulit kong sinasabi na she’s an intelligent actress, she knows kung ano ‘yung pinipili niyang proyekto at napanood ko siya rati sa Milan (kasama sina Piolo Pascual at Claudine Barretto) at hindi kami magkasama pa noon sa network, I’m always fan of Iza,” sabi ng dalaga.

Dinugtungan naman ito ni Iza ng, “I’m a fan, I’m always been impressed by the substance wherever I would read her article sa magazines, sabi ko, ‘may lalim itong si Bea.’ And so I really get to know her better because of this soap and I respect her even more now and I said this earlier when we were being interviewed, Bea is a superstar, but she was never made me feel like that she was one like ganyan.

There was no diva attitude, magaan katrabaho, masarap katrabaho kasi magaling.”

Samantala, tinanong si Bea tungkol kay Gerald Anderson kung kailan nila aaminin ang real score sa kanila dahil base sa nakaraang panayam sa aktor ay binanggit nitong dapat sa babae manggagaling kung ano na talaga sila.

“Ano ba ang kailangang i-admit?” balik-tanong ni Bea sa entertainment press.
Sabay paliwanag na, “Sa totoo lang, we are enjoying each other’s company right now and we’re very busy, he’s very busy du’n sa mga ginagawa niya. Ako rin, we tape almost every day. I wish I could say something, but there’s really nothing to say.”

Biglang singit naman ni Iza, “Ako na ang magsasabi na kahit kami rin ang kausap niya ay ganyan ang sagot niya.”

Sumang-ayon si Bea na mas nagtatagal ang kanilang relasyon kung hindi nila ito pinag-uusapan o ibinabandera sa publiko, “Yes, I think, that’s the beauty of it, parang nag-enjoy lang kami sa buhay, we’re living in the moment.”

At para sa mga sumubaybay sa serye nina Bea, Iza at ian Veneracion sa Primertime Bida, magkakaroon ng “Love Goals: A Love To Last Concert” kasama ang buong cast sa KIA Theater sa Set. 8, mabibili ang tickets sa ticketnet.com.ph.

Read more...