Male personality nabuking ang kabaklaan sa pagsasabi ng ‘hey!’

KAPAG mga closet singers or actors ang subject ng mga blind item, talagang nanlalaki ang mga mata ng readers or televiewers. Ha! Ha! Ha!

Marami ang gustong malaman kung sinu-sino ang mga sirena sa mundo namin – lalo na doon sa nagpi-pretend to be macho pero ang totoong hanap naman pala ay espada. Some have ka-loveteams pa, some are linked pa to this girl and that girl.

Pero ang totoo niyan, sila mismo ay nananayo ang mga balahibo pero wala silang magawa kundi ang lunukin ang katotohanan para lamang ma-sustain nila ang kanilang karera. You know who they are, di ba naman? Huwag na nating isa-isahin at pagod na ako sa kapupunta sa korte para magpaliwanag. Ha! Ha! Ha!

Here’s one guy who I’ve been fighting the world before by saying na lalaki talaga siya despite persistent rumors na isa rin siyang baklita. May mga sinabi pa akong I can attest to the masculinity of this actor/singer. But of late, medyo nari-realize kong puwede rin akong magkamali. Kasi in the past ay nagkaroon ito ng girlfriends and I guess even up to now ay meron siyang dini-date.

Pero yung actuations niya ang ginagawa kong batayan kung bakit parang nagdududa nga akong baklita siya. Hindi dahil sa wala siyang bisyo pero how he talks and greets his colleagues once he meets up with them. Like, “Hiyyy (read: hey), how are you?” (yung halos tumikwas ang nguso sa pagsabi ng ‘hiyyyy’ dahil sa pagka-slang! Charrozzz!).

Kasi ang tunay na lalaki ay wala nang fancy-fancy pa sa pagbati, simpleng “musta, ‘pre” or “anong balita tsong?” Hindi yung “Hiiiyyyyyy” na parang walang ending. Ha! Ha! Ha!

Tapos pag nagsalita pa during any conversation, yung pasimpleng paggamit ng word na “anyways…” instead of “anyway” for a regular male, di ba parang kaduda-duda? I may be wrong pero parang malakas ang kutob ko that this guy is in the borderline na. Ha! Ha! Ha!

Guwapo siya at sikat. Hulaan niyo na lang.

 

***

Naaaliw lang akong panoorin ang mga questionable male celebs nating ito. May isa namang hindi ko akalaing badingding daw dahil kilalang-kilala siya as hunk talaga.

Magaling siyang singer/dancer/actor ito at love ng marami. Pero ang totoo raw niyan, a very reliable source whispered to me na meron daw itong pinupuntahang gay pick-up joint sa Angeles, Pampanga kung saan daw siya namimik-ap ng boys.

Hindi siya ang pahada ha, may dyowa raw ito roon. True? I can’t bilibid prison? (I can’t believe it ang ibig sabihin, lokah!)

Paanong nangyari ito? Parang wala naman tayong inkling na he’s one of us din pala, di ba, kafatid na Ervin? Hay naku, basta ako, kahit halimbawa ma’y totoong baklita ito, type ko pa rin siyang tikman. Etch!

Pero baka hindi ako makalusot kasi guwardyado siya ng matinik niyang manager. Ha! Ha! Ha! Pero don’t worry, I will find a way. Ayaw talagang sumuko, ‘no?

Meron ding isang guwapo sanang pa-hunk na actor na balitang natuklasan na ng ka-loveteam niyang hindi lang siya ginagamit para sumikat nang husto pero naramdaman daw nitong kabaro rin niya kaya nilalayuan na raw niya ito.

Pero balitang for hire daw si silahistang actor/part-time singer. Marami na raw itong naipon mula sa ibinibigay ng isang gay politician sa south. Favorite hunk daw kasi ito ni mestisahing pulitiko.

Meron namang isang sikat na hunk actor kuno na matagal nang napapabalitang girlita talaga na kiyemeng meron daw dini-date na long-haired girl, iyon pala, long-haired boy daw ang totoong dyowa.

Ha! Ha! Ha! Lituhin ba ang public. Matagal na naming alam iyan, daddy.

Hay naku, nakakaaliw lang ang mga closet queens na ito. Kailan kaya masusundan ang pag-out ni BB Gandanghari? Wait lang, nasaan na pala si BB? Parang wala nang balita sa kanya, ‘no?

Ah, kaya pala ayaw nilang lumantad dahil baka mawalan sila ng career pag nag-ala-BB Gandanghari sila – now I understand. Ha! Ha! Ha! (times 1 million!)

Read more...