Kathryn nagbibigay ng libreng seminar para sa mga batang gusto nang magtrabaho | Bandera

Kathryn nagbibigay ng libreng seminar para sa mga batang gusto nang magtrabaho

Cristy Fermin - August 31, 2017 - 12:01 AM

Kathryn Bernardo

MASAYANG-MASAYA ang pamilya ni Kathryn Bernardo dahil matagumpay agad ang binuksan nilang nail spa sa SM-North EDSA. Dinadayo ang KathNails, kuwento ng isa naming kaibigan ay palagi silang fully-booked, kaya dapat na silang magdagdag ng branch.

‘Yun mismo ang inaasikaso ngayon ni Mommy Min, ang dakilang ina ni Kathryn, abala sila sa paghahanap ng bagong lugar para mapagtayuan ng ikalawang sangay ng KathNails.

Kuwento ni Rein Cortez, regular listener namin sa “Cristy Ferminute” (92.3 News FM), “Alam n’yo naman ang sister kong si Dimple, kapag hindi na maganda ang mga kuko niya, e, magulo na ang mundo niya!

“Tumawag siya sa KathNails kung puwede na siyang magpagawa, pero fully-booked daw hanggang next week. Kailangan na nilang magdagdag ng branch para ma-accommodate nila ang mga customers,” sabi ni Rein ng Dimples Fishcrackers.

Bukod sa negosyo ay maganda ang layunin ng pamilya Bernardo. Kaagapay ang grupong KDKN Solidarity Community, Incorporated, ang mga propesyonal na tagasuporta nina Kathryn at Daniel Padilla, ay nagbibigay rin sila ng trabaho sa mga kabataang gustong magtrabaho nang maaga.

Nagpapa-seminar sila ng mga nail technicians nang walang bayad, may mga professional salon technicians na nagtuturo sa kanila, ang mga produkto ng kanilang seminar ay makasisiguro na ng trabaho mula sa KathNails.

“Napakasarap katrabaho ang family ni Kathryn, maganda ang puso nila, kitang-kita ‘yun sa mismong anak nila na kahit sikat na, e, napaka-humble pa rin,” komento ng kanilang consultant na si Ogie Narvaez Rodriguez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending