Kris Bernal sa Impostora: Naiiyak na lang po ako sa sobrang hirap!

KRIS BERNAL

NAKAKAUBOS ng lakas para kay Kris Bernal ang gumanap ng dual role sa on-going GMA series na Impostora. Mabuti na nga lang daw, ‘yung normal na mukha na ang gamit niya sa dalawang characters dahil that time, dusa rin siya sa paglalagay ng prosthetics.

Gayunpaman, hirap pa rin siya sa “kambal” role dahil iba’t ibang emosyon ang kailangan niyang ilabas sa characters niya bilang sina Nimfa at Rosette.

“May mga oras na naiiyak na lang ako sa pagod. From 4 a.m. to 7 a.m. the next day, from Nimfa to Rosette, Rosette to Nimfa. Nakakabaliw ang papalit-palit ng emosyon,” pahayag ng Kapuso actress sa kanyang Instagram post.

Buti na nga lang daw, sulit ang hirap ni Kris dahil sa magandang ratings ng kanyang GMA Afternoon prime series.

Read more...