Ria, Matteo magkasama sa Taiwan; may programa sa History Channel


KASALUKUYANG nasa Taiwan sina Ria Atayde at Matteo Guidicelli para sa bago nilang programa sa History Channel na napapanood sa cable.

Lilibutin nila ang Taiwan para ipakita sa mga manonood ang magagandang lugar at kung anu-anong pagkain ang ipinagmamalaki ng mga tagaroon.

Mensahe sa amin ni Ria, “It’s about food crawl buddy for Lifestyle Network. 5 days. Food trip. We get back 31 (August) po.”

Limang araw sina Ria at Matteo sa nasabing bansa at pagbalik ng dalaga ay may project na ulit siya na sa ibang bansa rin isu-shoot.

Mukhang matutupad na ang isa sa pangarap ng dalaga na maging TV host bukod sa pagiging artista dahil bagay naman ito sa tinapos niyang Communication Arts sa De La Salle University.

Siguradong ang unang matutuwa sa hosting career ni Ria ay ang daddy niyang si Art Atayde dahil matagal na niyang gustong mapanood sa telebisyon ang anak na nagre-report bilang news anchor.

Isinantabi na ng dalaga ang plano niyang pagsali sa beauty contest dahil sa rami ng offers sa kanya, hindi na raw niya maasikaso ang mahabang panahon na training kung sasali pa siya.

Samantala, masaya ang dalaga na magsasama ang kuya Arjo Atayde at mommy niyang si Sylvia Sanchez sa isang serye na matagal na ring pangarap ng pamilya nila at kung puwede nga, sana raw ay makasama rin siya.

Read more...