Rating ng DU30 gov’t very good- SWS

Bahagya mang bumaba, nanatili namang very good ang net rating ng Duterte government, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Sa survey na isinagawa mula Hunyo 23-26, nakakuha ng gobyerno ni Pangulong Duterte ng 64 porsyentong net approval rating. Mas mababa ng dalawang porsyento sa survey noong Marso.
Pinakamataas ang rating ng gobyerno sa pagtulong sa mahihirap na naitala sa 65 porsyento.
Sumunod naman ang pagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao na naitala sa 55 porsyento. Pareho namang 51 porsyento ang pagtatanggol sa teritoryo ng bansa at paglikha ng mga trabaho.
Ang paglaban sa terorismo ay naitala sa 49 porsyento na sinundan ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa (44 porsyento), paglaban sa krimen (43), pagsugpo sa korupsyon (43 porsyento).
Sumunod naman ang paglutas sa extrajudicial killings (34), pakikipagkasundo sa mga rebeldeng Muslim (32 porsyento), pagsiguro na walang pamilyang magugutom (32), pakikipagkasundo sa rebeldeng komunista (31).
Mas mababa naman sa 30 porsyento ang net rating ng gobyerno sa pagrekober sa nakaw na yaman ng pamilya Marcos (26 porsyento), pagbibigay ng solusyon sa problema sa mabigat na daloy ng trapiko (25 porsyento) at pagtiyak na hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin (24 porsyento).
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents tig-300 sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Read more...