KINUMPIRMA ng Lord of Scents na si Joel Cruz ang plano niyang magkaroon muli ng anak. Wish niya maging twins muli ang mabuo sa surrogate mother na kinuha niya sa Russia.
“This is the last program,” lahad ni Joel. “Right now I have six, three sets of twins. And the last, last, last program doon sa Russia. E, hindi ko lang alam kung kailan mabubuo ‘yun kasi ‘pag ganu’n unang attempt, hindi naman lahat buo agad, e. May nalalaglag din,” aniya sa amin.
Hopefully, the sooner na mabuo ‘yun mas gusto raw sana niya twins ulit para total of four sets na ang kanyang mga anak. At mas okay pa raw kung magiging triplets.
“Yeah, there’s a possibility. Kasi that’s the maximum you can transplant. Sa kanya, three fertilized embryos. I’m not sure, kasi napakaliit ng percentage na mabuhay ‘yung triplets.”
Right now, 36 years old na raw ang mother ng kanyang tatlong set of twins, “She’s doing well. She’s very active. She’s strong, she’s healthy. Pero wala siyang hinahabol sa mga bata kasi talagang nasa kontrata sa Russia na after she gave birth, wala na siyang right sa bata.”
Inamin ni Joel na hindi na raw kaya ng ina ng tatlong kambal niya ang magbuntis, “We were just getting egg cells from her para siya pa rin ‘yung biological mother. Pero ‘yung magkakarga for nine months as surrogate, hindi na niya kaya. Kaya kukuha kami ng iba. Pero kanya ‘yung egg cells kaya magkakapatid talaga silang lahat.”
Tantiya rin ni Joel, nakikibalita ‘yung surrogate mother sa kondisyon ng mga kambal. Nakikita raw nito sa Facebook at pina-follow niya ang account ng mga bata. Pero hindi raw alam ng mga bagets na siya ang kanilang ina.
“Hindi sila ganu’n kainteresado. Nagtanong sila once pero hindi sila ganu’n kaseryoso. I think it’s because of the so much care na nakukuha nila sa nanay ko, sa mga kapatid ko. Parang, sobrang dumaming nanay. Pati mga pamangkin ko, mga pinsan nila. Sobrang daming nanay para sa kanila.”
Isa sa set of twins niya ay nag-perform during his successful benefit concert titled “Awit sa Marawi” sa AFP Theater. When asked kung magtutuloy na ba ang sa pag-aartista ang pag-perform ni Princess.
“Ah, may attitude pa rin, e,” ngiti niya. “Di ba dapat naka-tights siya? Nakadamit pa rin, ayaw magpalit. Ah, buti pa si Prince, he’s more focused kasi may commercial na siya, e. Kapag gusto nila mag-artista at basta may talent sila, I’ll support them,” pahayag pa ni Joel.