Hayden, Vicki nagkasundo sa ‘pre-nup’ bago ituloy ang kasal sa Paris, France


SUNUD-SUNOD ang pag-attend ng party nina Vicki Belo and Hayden Kho na bigay ng kanilang showbiz and non-showbiz friends bago ang kanilang bonggang kasal sa Paris, France next month.

Maging ang mga anak ni Vicki na sina Direk Quark Henares at Cristalle Pitt ay nag-host ng isang 80’s party for their mom. Nabalitaan din namin na pati si Ernie Lopez ng ABS-CBN Publishing ay binigyan ng party ang dalawa.

At ilang araw bago ang kanilang kasal ay “pinasilip” ni Dra. Vicki ang kanyang mamahaling wedding gown na gawa ng sikat na designer na si Michael Cinco. Personal na inihatid ng designer ang wedding gown ni Vicki sa kanyang mansion na bahay sa Makati City.

Hindi kami magtataka if one of the gowns na susuutin ni Vicki sa kanyang wedding ay kapareho rin ng style and design sa anak nila ni Hayden na si Scarlet Snow. Uso naman kasi ngayon ang magkakaternong suot na damit ng ilang celebrity mom and daughter.

For sure, si Hayden ang pinakamaligayang nilalang sa wedding niya more than the famous beauty surgeon. Tiyak na tutulo ang luha sa mga mata ni Hayden dahil sa sobrang happiness sa eksenang hinihintay niya ang kanyang bride habang naglalakad papuntang altar ang kyut na si Scarlet kasunod si Vicki.

And speaking of Quark, in one of his interviews natanong ang panganay na anak ni Vicki kung may naganap daw ba na pre-nuptial agreement between his mom and Hayden.

Mabilis naman sumagot si Quark and he was quoted as saying something to this effect, “Knowing her, I think, meron.”

Read more...