Shaina: Lahat na ng klase ng breakdown nagawa ko sa Better Half!

NA-ENJOY nang husto ni Shaina Magdayao ang taping ng The Better Half which is now on its last two weeks.

“From the very beginning po ay naging smooth ang trabaho namin. Gaya ng sabi ni nanay, from the staff to the crew ay sobra silang mag-alaga. All the more, ikaw bilang artista you want to cooperate, you want to give your best kasi,” say ng dalaga.

Ano mami-miss niya sa show? “Ako, I really treasure those moments or people na nakakasalamuha ko dito na genuine and sincere. It shouldn’t end here. Kumbaga, naging instrument lang po itong show na ito para magkakilala kaming lahat at para maging isang pamilya. This is just the beginning of our wonderful relationship as a family.

“Wala po talagang naging problema sa set namin. ‘Yun siguro ang naging trade off, ‘yun siguro ang blessing ni Lord kasi alam Niya na sobrang bibigat ng scenes na ipapagawa Niya sa amin, kung anu-anong breakdown na lang ang nagawa ko, kung anu-anong luka-lukahan na acting na lang ang nagawa ni Bianca (Denise Laurel). Pero at the end of the day, off-cam ay napakasarap ng samahan namin.”

Read more...