BAKIT nga kaya ganu’n kapatid na Ervin, kapag may “something” ang magkarelasyon o exclusively dating or kahit yung dating magkakaibigan, eh ginagamit din ang social media para lang iparating ang selos at tampuhan?
Ilang beses na itong ginawa nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, kahit sina Kris Aquino, Jolina Magdangal, o mga scriptwriter at director na nagbabangayan ay sumasakay din sa style na ito.
Ang latest, balitang in-unfollow daw ni Julia Montes si Coco Martin sa kanilang social media accounts pero muli ring nag-follow after a while.
Ang diumano’y mga bagong leading ladies ni Coco ang dahilan kung bakit nagawa ni Julia na huwag na munang i-follow ang dearest male friend niya sa ngayon.
Kasama na nga riyan si Mariel de Leon at Yam Concepcion na halos araw-araw nakakatrabaho ngayon ni Coco sa kanyang mga projects. Balitang may bahid ng pagseselos ang ginawang pag-unfollow ni Julia kay Coco.
“But they are okey now. Baka tampong purorot lang. The usual tampo na may something! Ha-hahahaha,” sey ng source namin.
So, ibig bang sabihin nito, talagang may karapatan si Julia na magselos sa mga leading lady ni Coco dahil siya nga ang girlfriend? Ha-hahaha! Nang-intriga pa raw kami.
q q q
Gaya nga ng aming nasabi before, si Joshua Garcia ang bago naming “baby” na ala-John Lloyd Cruz ang aura ngayon.
Super impressed kasi kami sa naging attitude nito nu’ng presscon ng Star Cinema movie nilang “Love From The Stars And Back” ni Julia Barretto.
After kasing aminin ng binata na nanliligaw siya sa magandang aktres at natatakot siyang ma-reject kahit napaka-positive ng reception sa kanya ni Julia at pati ng pamilya nito, hindi niya itinago ang pagkapikon sa mga tanungan sa presscon.
Bihira na kaming makakita ng mga artistang very raw ang emotions pagdating sa ilang personal na isyu gaya ng lovelfie.
Talagang inamin ni Joshua na napikon siya, at hindi pa rin siya nasasanay sa sistema ng showbiz at mas umiiral pa rin ang pagiging probinsyano niya pagdating sa pagpapakita ng totoong feelings.
Sana nga ay manatili pa ng ganu’n katagal ang pagiging totoo ng batang aktor, na huwag itong maturuan ng mga handlers at managers na maging plastic o dekahon kung sumagot.
Ang sarap-sarap niyang pakinggan. Madali siyang maka-relate sa lahat dahil walang “put-on” sa mukha o emosyon niya.
Kaya naman mas nirespeto siya ng maraming reporter after niyang sumenyas na nasaktan siya at naapektuhan sa ilang tanong during the media conference. At hindi siya umaarte noh! Nagpakatotoo lang siya and we salute him!