Tony Labrusca mas sikat pa sa Boyband PH dahil sa ‘La Luna’


NAGING blessing in disguise kay Tony Labrusca na hindi siya napabilang sa grupong Boyband PH na binubo nina Ford Valencia, Joao Constancia, Tristan Ramirez, Niel Murillo at Russell Reyes na siyang mga nanalo sa reality talent search na Pinoy Boyband Supestar.

May ibang napuntahan ang karera ni Tony, unti-unti na siyang nakikilala ngayon dahil sa La Luna Sangre bilang ka-love triangle nina Tristan (Daniel Padilla) at Malia/Miyo (Kathryn Bernardo).

“Para sa akin po, at first siguro nu’ng nasa show ako (Pinoy Boyband Superstar) I think para sa aming lahat, medyo confused kami in a competition.

“Pag nasa competition ka, you have one instinct which is to win the competition, but sometimes winning is not always the end of all, so for me after losing the competition and really just trusting God, doon ko nalaman na God has something for each and everyone of us and there’s nothing anybody on this earth can take away from you.

“I’m just doing my part so, and my goal is to always have fun with whatever I’m doing,” ani Tony.
Nakausap namin ang binatang singer-actor sa ginanap na pocket presscon para sa debut single niyang “Tanging Ikaw” na siya mismo ang nagsulat ng lyrics kasama sina Urie Tesorio at Bryan Lotho. Si Kean Cipriano naman ang nagdirek ng kanyang music video kung saan nakasama niya ang aktres na si Isabel Ortega.

Inamin ni Tony na hindi naging madali para sa kanya ang pagsulat ng lyrics ng “Tanging Ikaw” dahil wala siya sa mood at marami siyang iniisip, pero dahil sa kuya Bryan niya ay kinailangan niya itong tapusin.

“This is just my first project, my first creation with Sonic State (Audio Studio), we really intended to just release single for now in Spotify, iTunes, Deezer, Amazon Music and other music platforms in over 240 countries on the 25th of this month (last Friday). I feel like (doing) an album takes a lot of production and it can be also a hit or miss,” kuwento ng binata.

Ang music video ay produced ng manager niyang si Mario Colmenares at Chris Cahilig sponsored ng McJim Classic Leather at kinunan naman sa Camella Provence, Malolos Bulacan.

Lumalabas tuloy na mas sikat pa ngayon si Tony kumpara sa Boyband PH na bihirang mapanood sa telebisyon kumpara sa kanya na gabi-gabing nakikita sa La Luna Sangre.

“Actually, I really never thought that way because in showbiz I’m not competing with anybody, I’m competing with myself and my goals. So, I don’t really have a focus on the other people, just really stay on my lane.

“I’m thankful to God because who would know me losing Boyband could open me so many windows and doors and I just feel so overwhelmed and so thankful to everybody that just so supportive of me, especially to La Luna Sangre for giving me that opportunity and most of all to God for giving me another chance (sa showbiz),” seryosong pahayag ng binata.

q q q

Tinanong namin kung may komunikasyon si Tony sa mga dating kasamahan niya sa Boyband, “Yes kasi po ‘yung manager ko, si sir Mario Colmenares may mga alaga rin po siya sa group,” sagot ng binata.

Sundot na tanong namin kung anong nasasabi ng grupo na mas visible pa siya ngayon? “Actually wala naman pong ganu’n. We’re just very supportive of each other.”

Bukod sa LLS ay mabenta rin si Tony sa product endorsements, kaya biniro namin siya na may pang-dinner na siya sa mommy niya na noong una ay hindi niya kaya, “Yes, in fancy-fancy (restaurant), meron na kaming pang Sofitel,” tumawang sabi ng binata.

Inalam din namin kung ano pa ang iba niyang nabili simula nu’ng kumikita na siya, “Siguro po lagi akong into shopping, iyon po ang sakit ko, gusto kong mamasyal kaya gusto ko dire-diretso ang trabaho ko para hindi ako gumagastos. But now, I’m saving for a car, but priority ko sana bahay.”

At dahil sikat na rin si Tony bilang si Jake sa La Luna Sangre ay tinanong siya kung nakakapag-malling pa siya, “Tinatawag na po akong Jake, natutuwa naman ako. Pero hindi naman po ako ganu’n kasikat para hindi makapag-mall or gumawa ng everyday stuff.

“Nakikita ko naman na may mga nakakapansin na sa akin pero not to the point na ina-ambush (dinudumog) na ako. Nakakapag-Timezone pa naman po ako,” kuwento pa ng singer-actor.

And take note, “Mag-isa lang po akong umaalis o lumalakad pag nasa mall,” say pa ni Tony.

Read more...