Mr. Personality may bagong ‘batang’ GF

ISANG 21-anyos na tisay ang sinasabing bagong girlfriend ng isang sikat na personalidad na muling nabuhay ang career makaraang manalo sa pwesto si Pangulong Duterte.

Sinabi ng ating Cricket na madalas ring idisplay ni Mr. Personality ang kanyang bagong chicks habang abala naman sa pagma-manage ng kanilang bar ang kanyang kasalukuyang kinakasama.

Ilang beses na ring ibinabandera ng dating sikat na singer na girlfriend nga niya ang nasabing babae dahil isa naman daw siyang Muslim na sa kasalukuyan.

Iyun din ang kanyang ginawang argumento nang itanan nya ang kasalukuyang kinakasama na dating isang menor de edad pa lamang ng kanyang makilala.

Base sa description ng ating Cricket, isang single mother ang nasabing tisay na girl.

Nakilala umano ito ng dating sikat na singer sa isang event kung saan ay receptionist ang nasabing babae.

Mula raw nang makita ni Sir ang nasabing tsikas ay hindi na niya ito nilubayan hanggang sa sila ay maging textmates.

Mula sa pagiging textmates ay sinimulan na niyang padalhan ito ng regalo hanggang naging dyowa niya na ito.

Kahit na sila ay mukhang maglolo na, sinabi ng ating Cricket na hindi pa rin magpapatalo si Sir dahil pati ang kanyang pananamit ay kanyang binago para lang makasabay sa bago niyang girlfriend.

Kung dati ay palagiang long sleeves ang kanyang “pang diinan”, ngayon ay nagsusuot na rin ito ng mga t-shirts na parang hip hop dancer.

Kahit hindi bagay ay “go” pa rin si Sir kahit mukha na siyang matandang kamatis.

Ang personalidad na may bagong ibinabanderang GF ay si Mr. F…as in Frigid.

Matunog ang balita na ang singer na ito ay bibigyan ng cabinet post sa Duterte administration.

Read more...