MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Isa po akong OFWs for 5 years. May 4 na anak at nanirahan sa Tunasan, Muntinlupa. Matagal ko ng naririnig ang tungkol sa NRCO o national reintegration center pero gusto ko po na malaman kung ano ba talaga ang function o maaaring maitulong ng NRCO sa isang OFW na tulad ko. Anu ano po ang ang mga programang nakapaloob sa kanilang ahensiya? Sana ay matulungan ako ng NRCO sa pamamagitan po ng inyong column. Nagpapasalamat at umaaasa para sa agadang tugon sa aking katanungan
Salamat po
Mr. Epi Marinas
REPLY: Para sa iyong katanungan Gg. Epi Marinas , ang NRCO ang nagpapatupad ng national reintegration program para sa mga OFW
Ipinatutupad ng NRCO , isang ahensiya ng Department of Labor and Employment , ang reintegration program sa layuning matulungan ang mga OFWs maging ang mga marino na makaaangkop sa pgtigil sa paghahanap buhay sa ibang bansa
May ilang programa at serbisyong ipinagkakaloob ang NRCO para sa mga nagbabalik na OFWs
Ang mga ito ay ang Livelihood Developmeng Assistance Program (LDAP…tinutulungan ang mga OFWs na nagnanais na mag negosyo tulad ng sari sari sotres,. beauty parlor, rice trading ,machine shop, furniture making at at iba pa.
Kaama sa programa nito ang biyaheng agripreneur .. Sa pakikipagtulungan ng DA , agricultutal Training Institute (DA-ATI), iniengganyo ng NRCO ang mga OFW upang magsimula ng negosyo kaugnay sa agrikultura
Kabilang pa rin ang small business management training and financial awareness seminar.. layunin ng training na ito na tumulong sa OFWs at sa kanilang pamilya na magkaroon ng financial literacy at engganyuhin silang magtayo ng maliit na negosyo for self – employment
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.