MRT nasira na naman, inirekomendang isapribado na lang
Nasira na naman ang tren ng Metro Rail Transit Line 3 ngayong araw. Pinababa ang mga pasahero ng tren sa Cubao station south bound. Nagkaroon umano ng technical problem ang tren alas-3:46 ng hapon. Inirekomenda naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang pagsasapribado ng MRT upang maayos ang operasyon nito. “MRT 3 should be privatized to make it more efficient as a public mass transport system,” ani Evardone. Sinabi ng solon na dapat ay suportahan ng Kongreso ang pagnanais ng Metro Pacific Investments Corp. na bilhin ang 77 porsyentong pagmamay-ari ng gobyerno sa MRT. “To me, this is the best solution to improve the services of MRT 3,” dagdag pa ni Evardone. Kamakalawa ay nasira rin ang MRT. Pinababa ang mga pasahero sa Boni Avenue north bound station ala-1:25 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.