DU30 dedma lang kung hindi tanggapin ang kanyang pakikiramay sa pagkamatay ni Kian | Bandera

DU30 dedma lang kung hindi tanggapin ang kanyang pakikiramay sa pagkamatay ni Kian

- August 23, 2017 - 04:16 PM

IGINIIT ni Pangulong Duterte na hindi siya pupunta sa burol ng Grade 11 na si Kian Loyd delos Santos, sa pagsasabing sapat na ang pagpapaabot niya ng pakikiramay sa pamilya nito.
“Itong droga, ‘yong ruckus ngayon kay delos Santos ba ‘yan? Well, sabi ko na — tinanong ako ng media if I will go to the wake? Sabi ko, hindi. I have expressed my condolences. Kung tanggapin ng media — ah tanggapin ng pamilya, good. Kung hindi nila tanggapin, eh ‘di fine with me,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na hindi siya pupunta sa burol dahil sa patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni Kian.
“The thing is, I will not go there. Because even if it is true, it is under investigation. ‘Pag pumunta ako doon, it… The perception of the public is: ‘Baka totoo talaga ‘yan kasi pumunta nga doon si Presidente, naghingi ng patawad.’ Ayoko ‘yung ganon. Because I go there, I put down the police,” ayon pa kay Duterte.

Napatay si Kian matapos ang isinagawang operasyon ng pulis sa Caloocan City noong isang linggo.

“Whether it is true or not, that’s not the point. The point is, there is an investigation conducted by the NBI. So pagdating ng panahon na talagang totoo, wala tayong magawa. They’ll have to face the consequences,” ayon pa kay Duterte.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending