Kailan susuwertehin? (2)

Sulat mula kay Grace ng Catalunan, Grande, Davao City
Dear Sir Greenfield,
1. Naisipan ko pong kumonsulta sa inyo upang itanong kung kailan ba ako susuwertehin sa buhay. Nagtataka po kasi ako kung bakit since 2014 nang bumalik ako sa aming probinsiya ay nagkamalas-malas na ang buhay ko. Dati akong OFW pero nang bumalik ako sa probinsya namin ay hindi na uli ako nakaalis.
2. Sa ngayon po ay nag-aaplay naman uli ako at umaasa na sana sa taong ito o kahit na sa next year ay magbago na lahat ng kapalaran ko at makaalis na ako para gumanda na uli ang buhay ng aming pamilya. At pagkatapos ay makapag-asawa na at magkaroon ng sariling pamilya. Mangyari po kaya ang mga simpleng pangarap kong ito? January 23, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Grace ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing kung naging malamlam o kulimlim ang kapalaran mo nitong mga nagdaang panahon, siguradong sa susunod na taong 2018 ay magiging positibo na ang mga pangyayari sa pagdating ng isang lalaking Libra.
Numerology:
Ang birth date mong 23 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka sa susunod na taong 2018, walang sawa at walang tigil, tuloy-tuloy ka nang makapangingibang-bansa hanggang sa tuluyan kang makapag-asawa at umunlad.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling malasin pa, ugaliing magsuot ng apple green at red. Sa nasabing kulay, makikita mong tuloy-tuloy ka nang papalarin at magtatagumpay.
Huling payo at paalala:
Grace, ayon sa iyong kapalaran, sa darating na taong 2018, sa edad mong 29 pataas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang tutulong sa iyo upang makapangibang-bansa. At sa sandaling nasa abroad ka na, ito ang magiging simula upang magbago ang iyong buhay. Kung saan, sa ibang bansa ang lalaking tumulong sa iyo ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2020 sa edad mong 31 pataas.

Read more...