UMAASIM na kagandahan. Ganu’n kung ilarawan sa isang umpukan ang isang female celebrity na kinasisilipan ng mga ito ng hindi kagandahang katangian nitong mga huling araw.
Maangas daw kasi ang babaeng personalidad. Mahilig sumawsaw sa maraming isyu. Napakataklesa rin daw ng babaeng ito na hindi nababagay sa isang tulad niya.
Kuwento ng isang source, “Hindi pa man, e, parang may attitude problem na siya. Para bang wala pa nga siyang napatutunayan, e, nag-uumarya na ang kamalditahan niya?
“Sa lahat-lahat ng kahilera niya, e, siya lang ang napakaagang nag-umangas ng ganyan, kaya nakakaloka siya!” sabi ng aming impormante.
Tuloy ay maraming bumibitiw na sa babaeng ito. Ang mga dating humahanga sa kanya at sumusuporta ay nagpapakita na ng kawalan ng gana sa kanya.
“Baka nakakalimutan ng babaeng ‘yun na may malaking responsibility na nakaatang sa kanya? Pero sa halip na ‘yun ang tutukan niya, e, siya pa mismo ang nanglalaglag sa bayang kakatawanin niya!
“Ano ba naman itey? Hindi pa man, e, nagpapalutang na siya ng ugali niya? Manahimik na lang sana siya, lumagay siya sa lugar, para hindi siya inuupakan sa social media.
“Ibang klase rin kasi siya, parang gustung-gusto niya na may kakontrahan siya, parang type na type niya na nakikipagdiskusyon siya!
“Naku, mag-abogado na lang kaya siya, ‘yun na lang ang linyahan niya, huwag na siyang rumampa-rampa! Awatin na siya sa pangarap niya, puro away naman kasi ang hanap niya, ibigay na lang natin sa kanya ‘yun!
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, malayo ang postura ng babaeng ito sa mga magulang niyang tahimik, palakaibigan at hindi palaaway!
“Rolyohan sana siya ng parents niya para tantanan na niya ang kapo-post ng kung anu-ano at pakikipag-away kung kani-kanino!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kanang kilay sa tenth floor.