Boxers pasok sa finals

KUALA Lumpur — Lumapit ang two-time champion na si Mario Fernandez sa posibleng ikatlong sunod na gintong medalya matapos nitong talunin si Nat Siek Nin ng Cambodia upang tumutuntong sa gold medal match ng bantamweight class sa boxing competition ng 29th Southeast Asian Games dito sa Malaysia International Trade and Exhibit Center.
Sumampa din sa finals si middleweight Eumir Felix Marcial sa itinala nitong technical knockout win kay Indran AVL Rama Khrisnan ng Malaysia gayundin ang Fil-British na si Marvin John Nobel Tupas na kinailangan na lampasan ang hard fighting na si Anavat Thongkrathok ng Thailand para sa unanimous decision victory.
Tanging sina flyweight Ian Clark Bautista at light welterweight Charly Suarez ang nabigo sa kanilang laban sa semifinals at nagkasya na lamang sa tansong medalya.  —Angelito Oredo

Read more...