Madlang pipol napa-wow nang mag-Wonder Woman si Kathryn

MARAMI ang napa-wow sa “Wonder Woman” dance number ni Kathryn Bernardo sa ASAP last Sunday.

Superhero dance ang segment and it initially featured Iñigo Pascual, Elmo Magalona and Jerome Ponce.

After that, pumasok na si Kathryn wearing a Wonder Woman costume. Ang lakas ng sigawan ng audience na nag-enjoy talaga sa dance number ni Kathryn. Even in a popular website ay positive ang comments nila sa bida ng La Luna Sangre.

“She looks great on these. Aminin.”

“Bagay, infairness di na sya mukang nene. Bet ko din katawan nya now. Not too skinny, not too thick.”

“In fairness bagay sa kanya.”

Anyway, napansin namin na parang tuloy-tuloy na ang pagpapaseksi ni Kathryn. Sa recent episode ng La Luna Sangre ay pumapel bilang undercover girl si Kathryn as Malia para lang makalapit kay Sandrino (Richard Gutierrez).

Hindi naman siya pinabayaan ni Tristan (Daniel Padilla) na naroon din sa event at nagkita pa sila sa restroom ni Sandrino.

Read more...