Daniel sa pagtatapos ng utol sa college: Ang galing, idol, eh!

PROUD na proud ang La Luna Sangre star na si Daniel Padilla sa kapatid na si Jose Carlito matapos itong maka-graduate sa kolehiyo.

Sa isang panayam kay Daniel, sinabi nitong ang pagtatapos ng kanyang kapatid ay tagumpay din ng kanyang inang si Karla Estrada.

“Ang saya makita na ‘yung utol mo sa wakas natapos mag-aral, di ba? Parang ang galing eh, idol eh, di ba? Araw-araw kaming puyat noon pero tingnan mo naka-graduate siya.

“Tsaka pasadong-pasado ‘yung utol ko and very happy ako na nakikita ko ‘yung mukha ng nanay ko, mukha ng daddy namin, ‘yung lola niya, ‘yung lola ko rin, ‘yung mga utol ko, nandoon kami lahat para sumuporta sa kanya. Parang isang misyon complete naman para sa ermat ko,” pahayag pa ni Daniel.

Read more...