INIREKLAMO na ni Marian Rivera sa mga kinauukulan ang tungkol sa paggamit sa pangalan niya ng isang Twitter account na nagpo-post ng mga mensahe laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahapon, kumalat ang isang tweet mula sa fake Twitter account na “Fake Marian Rivera” na may handle name na “@superstarmarian” tungkol sa nagaganap na madugong anti-drug operation ng Duterte government. Mensahe ng pekeng Marian Rivera, “U warned us there will be blood. So pde b, ung 16 million lang na bumoto sayo ang patayin mo? Because the rest of us didnt sign up for this.”
Nang makarating ito kaya Marian, agad sumagot ang Kapuso Primetime Queen, “Wala po akong Twitter account, hindi po ako si ‘superstarmarian’ sa Twitter at hindi ko rin kilala ang taong nasa likod nito. At sana tumigil na ang ganitong mga account na gumagamit sa pangalan ng ibang tao.”
Nang makachika naman namin si Marian kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media sa press launch ng bagong proyekto ng YES Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes, ang “I Am Super”, sinabi nitong nababahala na siya sa panggagamit sa kanyang pangalan sa social media.
“Matagal na ‘yan, e, dati hindi ko lang pinapansin kahit na ginagawa niya akong katatawanan, kasi parte ng pagiging artista yan.
“Pero para siraan mo ang ating presidente, bilang respeto, dapat hindi mo ginagawa ‘yan, at sa pangalan ko pa. So, sabi ko kailangan na siguro akong magsalita. Para sa kaalaman ng lahat, wala akong Twitter account, may Facebook ako, pero may ibang nagma-manage nu’n, ang tanging hinahawakan ko lang Instagram.
“Actually, nagreklamo na kami, gumagawa na kami ng paraan para matanggal na ‘yan. Although sinasabi nga nila na hindi nga ako ‘yun at poser lang, pero para gamitin nga yung pangalan ko sa account na ‘yun, that’s unfair. So, sana tama na!” pakiusap pa ni Marian.
Samantala, naging emosyonal naman ang Kapuso actress sa naganap na event ng YES Pinoy kahapon sa Resorts World Manila kung saan inilunsad nga ang “I Am Super” campaign bilang bahagi ng 8th anniversary ng foundation nina Dingdong.
Napaiyak pa ang Primetime Queen habang nagbibigay ng mensahe para sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa YES Pinoy ng kanyang asawa. Proud na proud daw siya kay Dingdong na walang sawang tumutulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan, lalo na sa mga kabataan.
“Napakaresponsable at napakabait na tao po ng asawa ko at sa kabila ng napakarami niyang trabaho, nagagawa pa rin niyang pagtuunan ng pansin ang public service,” sey pa ni Marian.
“The I Am Super campaign aims to distribute YPF Go Bags which are hooded backpacks with emergency kits and learners’ materials to children in 10 vulnerable schools that were identified togetehr with the Department of Education. And in partnership with the social-enterprise Taclob, Typhoon Yolanda survivors and specially-abled persons will be trained and employed to develop the Go Bags,” paliwanag naman ni Dingdong.
Bukod dito, makikinabang din sa advocacy na ito ng YES Pinoy ang mga sundalong nasgatan sa Marawi siege at ang kanilang mga pamilya.
Kaugnay nito, ni-launch din ang “I Am Super Art Exhibit for Resilience” na nagsimula na kahapon at tatagal hanggang Aug. 27 sa Resorts World Manila. Dito nakipag-collaborate si Marian sa ilang artist na kaibigan ni Dingdong (para makagawa ng mga art pieces gamit ang kanyang talento sa flower arrangement.
In fairness, soldout agad ang mga ginawa ni Marian, kabilang na ang dalawang art pieces na nagkakahalaga ng P100,000 each. Lahat ng proceeds ng nasabing art exhibit ay mapupunta sa I Am Super campaign ng YES Pinoy.
For inquiries, call lang kayo sa 477-3326 or visit iamsuper.yespinoy.ph.