Dating sikat na male celebrity na nakulong dahil sa bisyo bagong-buhay na
NAKAKAAWA rin ang isang male personality na sikat na sikat sa kanyang larangan nu’ng kalakasan ng kanyang katawan at kapanahunan ng kanyang popularidad.
Maraming nagkakainteres sa kanya, ang totoo ay pinag-aagawan pa nga siya ng maraming kumpanya, pero nabigla sa mga biyayang tinatanggap ang lalaking personalidad.
Dati nga naman siyang ordinaryong tao sa kanilang komunidad, pero bigla siyang nakasalo ng suwerte, hindi niya kinayang hawakan ‘yun kaya kung anu-ano ang kanyang pinagkaabalahan.
Kuwento ng aming source, “Nu’ng time pa niya, e, okey lang naman ang discipline niya. Wala siyang bisyo, good family man siya, matino!
“Pero nu’ng nararamdaman na niyang medyo lumalamlam na ang career niya dahil napakarami nang nagsulputang mga bago at batambatang pla-yers, du’n na siya nagsimulang mawalan ng disiplina.
“Nakipagbarkada na siya, inom siya nang inom na parang wala nang bukas, napabayaan na niya ang sarili niya at ang family niya,” simulang kuwento ng aming impormante.
Hanggang sa wala nang kumukuha sa male personality, nakikiusap siya sa mga teams na kaya pa niyang magdeliber, pero deadma ang lahat ng mga nilapitan niya.
“Depression daw ang dahilan kung bakit siya nagpaka-unprofessional. Ramdam niya na wala na siyang dating, marami nang nagdatingang bagong mukha, wala na siyang saysay sa hardcourt.
“Kung anu-anong kuwento ang lumalabas tungkol sa kanya. Nagbisyo siya, nang-umbag ng misis niya, napakairesponsableng tatay niya. Pero mukhang nagkaleksiyon na siya sa pinakahuling nangyari sa buhay niya.
“Na-Julie Andrews (read: nahuli) siya, di ba? Nakulong pa. Ngayon, e, napapanood na siya sa isang seryeng inaabangan ng buong bayan. Kontrabida man siya, e, meron siyang pinagkakakitaan!
“Ang tanong, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ipinapalit na kaya niya ang tinatanggap niyang talent fee sa programa kahit pink slip pa lang ang hawak niya?” napapai-ling na pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.