‘Kung umasta sina Kris at Michela akala mo inagawan!’

EXACTLY 34 years ago today nang maganap ang makasaysayang assassination kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino upon disembarking from the plane at the then-Manila International Airport.

Ang pagkakapaslang kay Ninoy sparked a political reawakening leading to the ouster of the Marcoses enshrined in the peaceful People Power on Edsa three years later.

Titser kami noon and at the same time employed with the Ministry of Human Settlements ni dating First Lady Imelda Marcos. Hindi man Social Studies or anything related to it ang aming itinuturo, but we were just as politically aware and vigilant.

No doubt, Ninoy proved himself as a catalyst. A willing sacrificial goat. We had seen a nation reborn in his death.

Tatlumpu’t apat na taon ang lumipas, masasabi bang may kabuluhan ang ibinuwis niyang buhay?

q q q

Parang nabi-visualize na namin ang expression sa mukha ni James Yap if he was within earshot habang nagaganap ang “secret agreement” sa pagitan ng kanyang Italian wife na si Michela Cazola at ni Kris Aquino kaugnay ng ‘di pagdalo ni Bimby sa first birthday ni Baby MJ kamakailan.

Presumably burning the lines on the phone, kung nagkasundo nga sina Kris at Michela na sa ibang pagkakataon na lang magkikita ang kani-kanilang mga anak (kay James), we would assume na umaatikabong Inglisan ang pumapailanlang.

Could James be far behind para marinig ang phone conversation ng dalawang hitad? Nadidinig, yes pero sa tanong if he fully understood their phone chat ay hindi namin sigurado.

Hindi sa minemenos namin ang level of comprehension ng basketbolista, pero posibleng nakatingin lang siya kay Michela, kundi man merely staring at his wife with dropped jaw.

Ano’t anuman, ang isyu pa rin dito’y wala kay Tito Ricky Lo na isinulat at inilathala lang ang naganap (o hindi naganap) sa birthday party na ‘yon. Malayo sa dagdag-bawas na nangyayari sa bilangan tuwing eleksiyon.

Kung makapag-emote kasi sina Kris at Michela ay parang inagawan sila ng privacy gayong pareho naman silang public figures. And this is the price too high they have to pay.

As if naman hindi rin nila madalas ipagbanduhan sa social media ang kanilang pribadong buhay, tapos ay ibubunton nila ang sisi sa sumulat?

Si Tito Ricky pa ba whose credibility and integrity bilang tao at manunulat is beyond question? Si Tito Ricky pa ba na untarnished at spotless ang record?

Kunsabagay, hindi na nakapagtataka ang inasal ni Kris, what to us was a bigger, more disappointing revelation ay ‘yung inasal ni Michela.

She-wolf in ewe’s clothing nga ba ang puwedeng itawag sa kanya?

Read more...